Karelyebong gwardya ng suspek sa septic tank case, may isiniwalat na bagong detalye sa kaso

Karelyebong gwardya ng suspek sa septic tank case, may isiniwalat na bagong detalye sa kaso

- Natunton ng mga pulisya ang karelyebong gwardiya ng suspetsado sa pagpatay sa 14-anyos na inilagay sa septic tank

- Sabi ng guard, napansin niya na ilang araw na kakaiba ang kinikilos ng suspetsado

- Nagtungo pa raw ang suspetsado sa kanilang bahay upang magpaalam na di na siya papasok pang muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahindik-hindik ang nangyari sa 14-anyos na dalagita sa Cebu City pagkatapos matagpuan ang bangkay niya sa loob ng septic tank.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inihayag na naaagnas na ang bangkay nang matagpuan ng awtoridad.

Pangunahing itinurong suspetsado ay si Jessie Mediquillo, ang gwardya ng paaralan kung saan pumapasok ang biktima na si Thesa Marie Ygay.

Ayon sa karelyebong gwardya ng suspetsado, napansin niyang mga ilang araw nang kakaiba ang kilos ni Mediquillo.

Sa ulat ng GMA, sinabi rin ng gwardya na pumunta pa raw sa bahay niya si Mediquillo at nagpaalam na di na raw siya makakapasok sa trabaho.

PAY ATTENTION: 15 Super Expensive Celebrity Weddings That Ended In A Divorce

Napag-alamang si Mediquillo ay tumutulong sa pagpapaaral kay Thesa at mga kapatid nito nang pumanaw ang kanilang ina.

Minsan na raw na kinalbo ni Mediquillo ang dalaga at sinunog ang mga gamit nito dahil sa selos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natagpuan ang bangkay ni Thesa dalawang araw pagkatapos nitong mawala.

Sana ay mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Thesa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel