Pasaherong nagtangkang magsindi ng yosi sa eroplano, sanhi ng matinding aberya

Pasaherong nagtangkang magsindi ng yosi sa eroplano, sanhi ng matinding aberya

- Naging sanhi ng matinding aberya ang isang pasaherong nagtangkang magsindi ng sigarilyo sa loob ng eroplano

- Kahit anong saway ng mga cabin crew, sadyang pasaway ang pasahero

- Nagdesisyon ang piloto na i-divert ang dapat na red-eye flight para lamang maibaba ang pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa pasahero ng Alaska Airlines flight mula San Francisco ang nagtangkang magsindi ng yosi sa loob ng eroplano na naging sanhi ng matinding aberya.

Ayon sa CNN, sakay ng isang red-eye flight 1138 ang pasahero na nagpupumilit talagang magsindi ng yosi na alam naman niyang numero unong pinagbabawal.

PAY ATTENTION: The Hottest Actresses On The Epic TV Game Of Thrones Series

Dahil sadyang pasaway ang pasaherong ito, napilitang i-divert ng piloto ang kanilang flight sa Chicago upang maibaba na lamang muna ang pasaherong tila nanlalaban na.

"Due to a disruptive passenger onboard and out of an abundance of caution, the flight was diverted to Chicago and landed at 4:22 a.m. local time," ayon sa panayam sa Alaska Airlines.

Inabisuhan na ang Chicago police ng naturang insidente upang salubungin na ang naturang pasahero.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking gulat naman ng iba pang sakay ng eroplano na ang dapat na non-stop flight nila ay nagkaroon ng aberya dahil lamang sa isang pasaway nilang kasama.

Dahil sa insidente, isang oras ang naging aberya nito sa naturang flight.

Samantala, binigyang linaw ng Alaska Airlines na sasailalim pa sa imbestigasyon ang insidente at walang pag-arestong naganap sa pasahero.

Ngunit, inaasahang may kaukulang parusa ang pinakitang asal nito na naging sanhi ng abala sa nakararami.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Last Fool Show, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel