Best kisser! Arci Muñoz, ibinulalas ang leading man niya na pinakamahusay humalik

Best kisser! Arci Muñoz, ibinulalas ang leading man niya na pinakamahusay humalik

- Ibinunyag ni Arci Muñoz ang leading man na pinakamagaling humalik

- Sa 'Name That Leading Man' segment sa TWBA, ibinulalas ng 'The Last Fool Show' star ang leading man na pinakamahusay humalik

- Bumuhos ang samu't saring reaksyon sa comment box ng naturang episode ng show ni Boy Abunda

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinag-uusapan sa online world ang guesting ni Arci Muñoz sa Tonight With Boy Abunda kung saan isiniwalat niya ang aktor na pinakamagaling humalik at naispatan ito ng KAMI.

Sa segment na 'Name That Leading Man' sa naturang show ni Boy Abunda ay walang kyeme na sinagot ni Arci ang lahat ng mga katanungan tungkol sa mga Kapamilya actors na naging leading man niya.

Unang tinanong ni Tito Boy ay kung sinong leading man daw niya na pinakamadaldal.

Agad namang pinakita ni Arci ang mga larawan ng tatlong Kapamilya actors na sina Piolo Pascual, Jake Cuenca, at Jericho Rosales.

Ibinulgar din niya na si Jake Cuenca raw ang pinaka-kabanidoso na leading man.

Pinangalanan din niya si JM De Guzman bilang pinaka-sexy at maasahan niya dahil ito ang pinaka-close niya sa lahat.

Sa huli ay ibinulgar ni Arci ang aktor na pinakamahusay na humalik at ito ay walang iba kung hindi si Piolo Pascual.

Dagdag pa ni Arci si Papa P. din ang pinakamabangong leading man niya.

Isa pang pinag-usapan sa guesting ni Arci sa TWBA ay ang rebelasyon niya tungkol sa kanyang chest piercing na napagkakamalang sticker.

"Sobrang kalog niya!"

"I Love her. So kulet and so true."

"Ang honest sumagot ng babaeng to!"

"Interview ba to o usapan ng mag tropa? Hahahaha Ang cute ni Arci!"

"Yung part na 'may hagod' hahaha"

Si Arci Muñoz ay nag-guest sa TWBA bilang bahagi ng pagpro-promote ng pelikula ni JM De Guzman ang 'The Last Full Show.'

Unang nakilala sa StarStruck Season 3 ng GMA-7 si Arci at huling nakita sa teleseryeng 'Since I Found You' ng ABS-CBN kasama si Piolo Pascual.

POPULAR: Read more news about Arci Muñoz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Vic Sotto spends quality time with his children and their spouses

Vic Sotto spends quality time with his children and their spouses

Vic Sotto spends quality time with his children and their spouses
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel