Aktwal na video sa tangkang pagpatay sa isang taxi driver, sapul sa dash cam

Aktwal na video sa tangkang pagpatay sa isang taxi driver, sapul sa dash cam

-Sapul sa isang kuha ng dash cam video ang tangkang pagpatay sa isang taxi driver

-Nagtamo ng 18 saksak ang biktima na nanlaban mula sa suspek na nagpanggap na pasahero, ngunit hinala nito, napagkamalan lang siya

-Sumuko naman ang suspek at sinabing hindi raw nito alam ang ginagawa ng mga oras na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inilabas ng PNP ang kuha ng isang dash cam kung saan sapul ang tangkang pagpatay sa isang taxi driver sa Baguio City.

Makikita sa video ang biglang paghinto ng taxi, at nang buksan ng biktima ang ilaw ay agad na itong inatake ng suspek.

Nangyari ang krimen noong madaling araw ng Abril 4.

Nang tanungin raw ng biktima kung ano ang kanyang kasalanan, sinabi lang nito na "Pasensya na, trabaho lang."

Ngunit nanlaban ang biktima at agad namang tumakas palayo ang suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Nung hahabulin ko sana, ang narinig ko, ‘ay iba pala sabi n’ya, mali", sabi ng driver sa isang ulat ng ABS-CBN News.

Kaya hinala nito, napagkamalan lamang siya.

Nagtamo ang biktima ng 18 saksak mula sa suspek na unang nagpanggap na pasahero.

Sa isa pang ulat ng ABS-CBN News, sumuko na ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Baguio City Jail.

Kinilala itong si Juan Carlo de Peralta, 33-anyos at residente ng Baguio.

Ayon dito, hindi nito alam ang kanyang ginagawa ng mga oras na iyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel