5 Pinay actresses na bet ng marami para gumanap na Darna, di raw para sa kanila ang role

5 Pinay actresses na bet ng marami para gumanap na Darna, di raw para sa kanila ang role

Pagkatapos ng anunsyo at pagkumpirma ni Liza Soberano na hindi na siya ang magiging Darna ay bumuhos ang maraming mga opinyon mula sa online world.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Subalit, napag-alaman ng KAMI na ang lima sa mga sikat na Pinay actresses na bet ng marami para gumanap bilang ang bagong Darna ay tila may ibang opinyon tungkol dito.

1. Angel Locsin

Ang orihinal na aktres na gumanap ng Darna na si Angel Locsin ay isa pa rin sa paborito ng mga tao na gumanap sa role.

Saad pa ni Angel sa interview kay MJ Felipe sa Star Patrol ng TV Patrol sa Kapamilya network:

"Ang bato talaga ni Darna, namimili ng tao. Hindi basta basta lang."

Masaya ang 'Action-Drama Actress' na mapili pa rin ng mga tao para gumanap ulit sa isa sa mga roles na nagpasikat ng husto sa kanya pero nanindigan ang aktres.

Tugon niya:

"Of course, masaya ako sa pagmamahal na binibigay nila... Maraming salamat po sa pagmamahal, pero, no."

2. Kathryn Bernardo

Isa pang fan fave para gumanap sa papel na Darna ay ang kinikilalang 'Teen Queen' na si Kathryn Bernardo.

Pero para raw sa kanya:

"Personally, Darna is such an iconic role. Alam mo, dream lahat ng babae siguro na maging si Darna, pero, siguro, it's not for me kasi hindi porke't gusto mo yung role, puwede siya sa iyo, e.
"For me, may binabagayan siya, and yung nai-imagine, napipiktyuran ko as Darna is someone who's a bit older than me. Someone na parang mas woman. Woman na talaga."

3. Maja Salvador

Nagpahayag naman umano si Maja Salvador ng kasiyahan sa pagpili ng mga fans na gumanap bilang Darna.

Subalit, si Angel Locsin pa rin daw ang nakikitaan niya ng swak na swak sa naturang Pinay superhero role.

Ani raw ni Maja:

"Sana si Angel Locsin, because Darna is Angel Locsin, Angel Locsin is Darna. Ang hirap tanggalin ni Angel Locsin kay Darna. 'Pag sinabi mong Darna, nakatatak talaga sa kanya, e. Perfect, e. Katawan, Pinay beauty, skills, lahat. Sana."

4. Jessy Mendiola

Morena naman daw dapat ang Darna ngayon, ayon pa raw sa interview ni Jessy Mendiola sa ABS-CBN.

Pahayag pa umano ng aktres:

"May Darna bang blonde? "

Ito ay kaugnay sa kasalukuyang kulay ng kanyang buhok.

Dagdag pa raw niya:

"Personally I think na dapat morena kasi nakakalimutan na siya ng Generation Z. Yung iba pag tinatanong yung mga bata, 'Kilala mo ba si Darna?' Tapos sasabihin nila, 'Sino si Darna?' Parang feeling ko kung Pinay superhero dapat talagang morena this time."

5. Nadine Lustre

Ang tila crowd favorite at bet din ng dating direktor ng Darna na si Erik Matti na si Nadine Lustre ay may ibang pananaw tungkol dito.

Sabi raw niya:

"I'm really happy that they [her fans] are very supportive, but I know naman kasi that the role is going to be given to someone who's deserving and someone who can do it. I mean, it doesn't have to be me. It just has to be someone who can give justice to the role."

Unang naispatan namin ang listahan sa cosmo.ph.

Kaugnay sa limang aktres na tila umayaw sa nasabing role, meron pang 12 out sa '17 Gorgeous Pinay celebs na bet ng mga netizens na gumanap bilang Darna' na posibleng pagpilian.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Pinoy celeb kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel