Autopsy sa bangkay ng dalagitang natagpuan sa poso negro, nakakakilabot

Autopsy sa bangkay ng dalagitang natagpuan sa poso negro, nakakakilabot

-Halos nabubulok at naaagnas na ang bangkay ng dalagitang natagpuan sa isang poso negro sa loob ng isang eskwelahan sa Cebu nang isagawa ang autopsy rito

-Ayon kay Dr. Benjamin Lara na siyang nagsagawa sa autopsy rito, 34 stab wounds ang tinamo ng biktima na karamihan ay sa ulo at leeg

-Pangunahing suspek ngayon ang security guard sa eskwelahan na kakilala ng biktima at ng pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lagpas 72 oras nang patay nang matagpuan ang bangkay ng 14-anyos na dalagitang si Tesa Marie Ygay sa isang poso negro, sa loob ng isang eskwelahan sa Danao City.

Agad nagsagawa ng autopsy si Dr. Benjamin Lara, medico-legal officer ng Philippine National Police (PNP)-Central Visayas Crime Laboratory.

Sa lumabas na resulta nito, nalamang 34 stab wounds ang tinamo ng biktima.

13 saksak sa ulo at leeg, 11 sa kanyang kaliwang braso, pito sa kanyang katawan, dalawa sa kanyang kaliwang kamay at isa sa kanyang kanang kamay.

Wala namang nakitang hemorrhage sa kanyang utak at buo ang kanyang bungo.

Hindi rin umano buntis ang biktima ngunit dahil naaagnas na, hirap nang matukoy kung ito ba ay ginahasa.

Ayon pa kay Lara, batay sa mga sugat ng biktima posible umanong lumaban pa ang biktima.

Pangunahing suspek ngayon ang security guard ng eskwelahan kung nasaan ang poso negro na pinagtaguan sa bangkay ng biktima.

Kinilala itong si Jessie Montes Medequillo, 36-anyos, at kilala ng biktima, maging ng kanyang ama na una nang naibalita ng KAMI.

Ayon sa ulat ng Sun Star Cebu, kilala na ng biktima ang suspek simula ng ito ay 10-anyos pa lang.

Nagkaroon ng damdamin ang suspek sa dalaga at naging possessive ito sa dalagita. Minsan na umanong inahit ng suspek ang buhok ng biktima dahil sa paggala nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinunog na rin umano ng suspek ang mga damit ng biktima.

Ayon sa ama ng biktima na si Felimon Enoy, lumipat na sila sa Lapu-Lapu City para ilayo ang anak mula sa suspek.

Ngunit hindi niya alam na bumalik pala ito sa Danao City dahil umano sa pananakot ng suspek na papatayin ang biktima.

Nang malamang nawawala ang anak ay agad niyang pinuntahan ang suspek. Itinuro siya ng kasamahan nito sa guard house.

Doon nakita niya ang mga bakas ng dugo, mga duguang damit na pinaniniwalaang sa biktima at patalim, ngunit wala roon ang anak at ang suspek.

Ayon sa ilang saksi, nakita pang magkasama ang biktima at suspek noong Biyernes, Abril 5, bandang 7:00 ng gabi.

Abril 8, Lunes nang makita ang bangkay ni Ygay.

Samantala, ayon pa rin sa report ng Sun Star, pinuntahan ng mga pulis ang tahanan ni Medequillo ngunit hindi na nila ito inabutan pa.

Patuloy pa rin ang pagtugis sa suspek na posible umanong nasa Danao City pa rin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Reaction of Eddie Garcia's longtime partner to his sudden passing

Reaction of Eddie Garcia's longtime partner to his sudden passing

Reaction of Eddie Garcia's longtime partner to his sudden passing
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel