Diploma at medalya ng grade 12 na pumanaw, tinanggap na kanyang amang OFW

Diploma at medalya ng grade 12 na pumanaw, tinanggap na kanyang amang OFW

-Hindi na nakadalo pa ang grade 12 na estudyanteng si Allyza Tecson sa kanilang graduation matapos itong pumanaw dahil sa dengue

-Ang ama nitong OFW na lang ang siyang umakyat sa stage para tanggapin ang diploma at medalya nito

-Magtatapos sana ito ng may honor at nangangarap maging isang flight attendant balang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nakadalo sa kanilang pagtatapos sa Senior high school ang 18-anyos na si Allyza Tecson matapos itong dapuan ng dengue at mamatay.

Sa halip, ang ama nitong overseas Filipino worker (OFW) at tiyahin nito ang kasamang nag-martsa ng mga kamag-aral at kaklase ni Allyza.

Bitbit ng kanyang amang si Art Tecson ang graduation picture ng anak kung saan suot nito ang medalya nito.

Pumanaw ang dalaga noong March 15 matapos lamang ang halos isang linggong pakikipaglaban sa sakit na dengue.

March 21 nang dumating si Art, tatlong araw bago tuluyang ihatid sa huling hantungan ang anak.

Sa isang panayam dito ng CDN Digital, sinabi nitong ikalawang beses na itong namatayan ng anak.

Dalawang taon ang nakalipas nang mamatay ang ikaapat nitong anak na si Ariza Artheena, 6-anyos noon, dahil naman sa sepsis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit mas masakit umano ang pagkawala ni Allyza dahila wala siya sa tabi ng anak at tanging sa video call lamang niya nakita ang paghihirap ng anak.

“During the time (when) she was being revived by the doctors, I had my family put me on video chat so I can see my daughter.

I kept saying, lumaban ka anak. Please, wag mong iwan si papa. But then I saw how weak my daughter was and finally said to her, anak give up na tayo. Pahinga ka na,” anito sa CDN.

“Ang hirap. Kasi, yung hindi ako makatulog nang maayos dahil everytime makakatulog ako ang gulo ng utak ko. Hindi inabot ng one week ang anak ko, bago binawi-an nang buhay” dagdag pa nito.

Naiintindihan namin ang dalamhati na nararamdaman ng isang ama na nawalan ng mga minamahal na anak.

Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng magulang na maagang binawian ng anak.

Nakikiramay ang buong KAMI sa maagang pagkawala ni Allyza.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
CCTV footage of collapsed Chuzon Supermarket gets released by police

Bidyo ng gumuhong Chuzon Supermarket dahil sa lindol, pinakita na ng pulisya

CCTV footage of collapsed Chuzon Supermarket gets released by police
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel