Dating direktor ng Darna na si Erik Matti, may bet na actress na ipapalit kay Liza Soberano

Dating direktor ng Darna na si Erik Matti, may bet na actress na ipapalit kay Liza Soberano

- Dating direktor ng Darna na si Erik Matti, nagbigay ng pahayag sa aktres na bet niya na pumalit kay Liza Soberano

- Ani pa niya, ang naturang aktres lang ang nakikita niyang bagay na gumanap bilang ang bagong Darna

- Swak na swak daw ang aktres bilang parehong Darna at Narda

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsalita na ang dating direktor ng Darna na si Erik Matti at nagbigay pahayag kung sino ang karapat-dapat na pumalit kay Liza Soberano sa naturang karakter at spotted ng KAMI ito.

Pagkatapos mag-back out ang magandang aktres na si Liza Soberano mula sa pagganap bilang Darna ay bumuhos ang napakaraming mga suhestiyon at opinyon kung sino dapat ang pumalit.

Kaugnay dito, sinabi daw ni Erik Matti sa Funfare na maganda sana at exciting kung si Liza Soberano ang gumanap sa sikat na Pinay superhero.

“I really feel that Liza would have been a fresh and exciting Darna. She’s young and embodies a lot of potential to create a modern take for this classic superhero character."

Nang tanungin umano ang direktor kung sino ang dapat maging bagong Darna, isa lang daw ang kanyang nakikitaan na swak sa role, ayon pa sa balita na ibinahagi ni Ricky Lo sa philstar.com.

Saad pa raw ni direk Erik Matti:

“After her, I only see Nadine Lustre so far as someone who can be Darna. Very sultry. She has a lot of female sensuality and at the same time still looks tough and very Filipina. The key to casting Darna has always been someone who can look plain and ordinary in her Narda alter ego but can be tough, spunky and can be very sexy as well when she transforms to Darna. Nadine can look all of that.”

Kamakailan, ibinahagi naman dito ang '17 Gorgeous Pinay celebs na bet ng mga netizens na gumanap bilang Darna.'

Si Erik Matti ang unang direktor na nag-direk sa bagong Darna movie na nag-resign gaya ni Liza Soberano.

Una ng kinumpirma ni Liza na hindi na niya kayang gawin ang naturang role dahil sa injury sa kanyang daliri na nakuha niya nang na-aksidente siya sa shooting noon ng Kapamilya action series na Bagani.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby

Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby

Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel