Estudyanteng kaka-graduate lang, patay matapos malunod sa beach sa Pangasinan

Estudyanteng kaka-graduate lang, patay matapos malunod sa beach sa Pangasinan

-Nalunod sa isang beach sa Pangasinan ang 18-anyos na kaka-graduate lang

-Ayon sa nobya nito, biglaan ang pangyayari at pinilit pa umano nitong i-ahon ang nobyo

-Hinala ng mga awtoridad, posibleng rip current ang dahilan ng pagkalunod ng binata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nailigtas pa ang 18-anyos na binatang nalunod sa isang beach sa San Fabian sa Pangasinan.

Sa isang video, makikitang sinubukan pa ng mga rescuer na i-revive ang binata gamit ang CPR.

Ayon sa nobya nito, biglaan ang nangyari at maging siya ay halos mahila rin nito.

Sinubukan umano nitong iligtas ang nobyo kahit pa nga pinulikat na rin siya.

Kaka-graduate lamang ng binata at kasama nito sa outing ang mga kaibigan at nobya para mag-celebrate.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit imbes na pagdiriwang, nagluluksa ang mga ito ngayon.

Hindi naman matanggap ng ina ng binata ang biglaang pagpanaw ng anak. Umiiyak ito habang kinakapanayam ng GMA News dahil sa sinapit ng mahal na anak.

Hinala ng mga awtoridad, rip current ang dahilan ng pagkalunod ng biktima. Ito ay makitid ngunit malakas na agos ng tubig palayo sa dalampasigan.

Hindi ito madaling makita ngunit ang palatandaan nito ay hihilahin ka palayo sa mas malalim na parte ng dagat.

Ayon sa ulat ni Raffy Tima, ang rip current ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkalunod sa mga beach sa bansa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast

Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast

Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel