4-anyos, hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang 'welcome remarks'

4-anyos, hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang 'welcome remarks'

-Hinangaan online ang bibong 4-anyos sa kanyang pag-de-deliver ng welcome remarks sa kanilang graduation

-Hindi raw inasahan ng kanyang ina na siyang nag-upload ng video sa Facebook na magiging viral ito

-Ang viral na bagets ang first honor ng Santiago Day Care Center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang humanga at naaliw sa 4-anyos na si Jarred Lorenz Orogo matapos mag-viral ang video nito online kung saan bibong-bibo ito sa pag-de-deliver ng welcome remarks sa kanilang graduation.

Si Jarred ang first honor ng Santiago Day Care Center sa San Francisco, Camotes Island sa Cebu City.

Kita sa video ang confident na pag-akyat nito sa entablado at maging ang pag-hawak sa mikropono.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pamamagitan ng wikang Bisaya, binati nito ang mga kapwa estudyante, mga guro at maging ang mga panauhin mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tinapos nito ang welcome remarks sa “Welcome, welcome, welcome!”.

Ayon sa isang ulat ng CDN Digital, hindi raw inaasahan ng ina nitong si Mhariz Pulvera Orogo, na siyang kumuha at nag-upload ng video na magiging viral ang anak.

Kinuhanan lamang niya ito at in-upload dahil proud siya sa kanyang anak.

Kinabisado raw ng kanyang anak ang welcome remarks nito sa loob ng dalawang araw sa tulong ng gurong si Alexander Dagatan.

Mula sa KAMI, binabati ka namin Jarred!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel