Ikalawang suspek sa pagpatay kay Christine Silawan, nadakip na

Ikalawang suspek sa pagpatay kay Christine Silawan, nadakip na

-Arestado ang isa pang suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan, Martes ng umaga

-Ngunit tumanggi muna ang mga awtoridad na magbigay ng detalye sa pagkakakilanlan nito

-Napag-alamang nadakip ang ikalawang suspek ilang metro ang layo sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Silawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma mismo ni Police Colonel Limuel Obon, chief ng Lapu-Lapu City Police Office na nadakip na ang ikalawang suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan.

Martes ng umaga nang maaresto ang suspek ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

Ngunit tumanggi na munang magbigay ng iba pang detalye ang mga awtoridad kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek.

Samantala, sa isang report naman ng Sun Star Cebu, isang source ang nagsabing naaresto umano ang suspek ilang metro lang ang layo sa lugar kung saan natagpuan ang ang bangkay ni Silawan sa Sitio Mahayahay sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi rin umano nito kung ano ang naging partisipasyon nito sa brutal na pagpatay kay Silawan.

Una nang nadakip ang dating nobyo ng biktima na isang 17-anyos at ksaalukuyang nasa kustodiya ng Social Welfare and Development ng Lapu-Lapu City.

Matatandaang noong Marso 11, natagpuan ang katawan ni Silawan sa isang bakanteng lote sa nasabing barangay, walang saplot pang-ibaba at kita ang bungo.

Ayon sa mga kuha ng CCTV, huling nakasama umano ng biktima ang dating nobyo nito at ngayo'y primary suspect.

Selos ang tinitignang anggulo sa krimen ngunit ayon sa iba pang ulat, posibleng ang kaso ni Silawan ay isang initiation rite ng isang fraternity ayon sa mga awtoridad.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos, namatay pagkatapos bumalik sa nasusunog na bahay upang iligtas ang alagang aso

4-anyos, namatay pagkatapos bumalik sa nasusunog na bahay upang iligtas ang alagang aso

4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel