5 mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa Araw ng Kagitingan

5 mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa Araw ng Kagitingan

Marahil ang ilan sa atin ay natutuwa lamang ngayong araw na ito dahil isa ito sa mga dineklarang opisyal na holiday ng bansa mula pa noong taong 1987.

Lingid sa kaalaman ng iba na may ilang mga mahahalagang bagay tayo na dapat malaman tungkol sa Abril 9, ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor.

Narito ang 5 sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mahalagang araw na ito.

1. Ito ang taunang paggunita natin sa tanyag na "Fall of Bataan" na naganap noong April 9, 1942 na naging simbolo ng katapangan ng mga Pilipino at Amerikanong mga sundalo laban sa mga Hapones noong World war II.

2. Ang Pilipinas ang huling bansang sumuko sa mga hapon sa Southeast Asia. Ayon sa Rappler, tumagal ang giyera ng Hapon sa Malaysia ng isang buwan at 23 araw. Habang ang Singapore, tumagal lamang ng isang linggo at ang Indonesia ay tumagal ng tatlong buwan at dalawang araw.

Umabot ng nasa limang buwang ang giyera sa atn ng mga Hapon mula Disyembre 8,1941 hanggang Mayo 6, 1942.

3. Ang tanyag na "Death March" ng panahong iyon ay di raw talaga pagmamartsa. Ito raw ay ang pwersahang pagpapalakad sa nasa 70,000 na mga Amerikano at Pilipino nang nasa 128 na kilometro mula Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Sinasabing naging stopover nila ito bago tuluyang pumunta sa tarlac.

4. Ang Dambana ng Kagitingan ay simbolo ng makabuluhang araw na ito sa kasaysayan. Ito ay itinayo noong 1970 sa tuktok ng Mt. Samat sa Pilar, Bataan. Isa itong monumento na inaiaalay sa Pilipino at Amerikanong sundalo na inalay ang kanilang buhay sa. May taas ang krus na ito ng nasa 302 na talampakan. Ito ay nasa ilalim pa ng pamumuno ni dating Presidente Ferdinand Marcos.

5. Ayon sa spot.ph, nagdiriwang din ng Bataan day sa Maywood, Illinois, USA. Ito raw ang sinasabing bayang kinalakihan ng mga miyembro ng 192nd Tank Battalion isang US Army unit na kasama sa labanan sa Bataan. Di nga lang ito ginugunita tuwing Abril 9 kundi tuwing pangalawang linggo ng Setyembre.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel