Ilang OFW, buong tapang na isiniwalat ang pagmamaltrato sa kanila ng anak ng pulitiko

Ilang OFW, buong tapang na isiniwalat ang pagmamaltrato sa kanila ng anak ng pulitiko

- Ilang Pinay OFW ang di umano'y nakaranas ng pagmamaltrato mula sa anak ng pulitiko sa Lebanon na si Cesar Gebara

- Di lamang isa kundi tatlong mga Pinay na lakas loob na nagsiwalat ng di umano'y pang-aabuso sa kanila ng anak ni Antoine Gebara, isang sikat na pulitiko sa Beirut

- Masasabing maswerte pa rin ang mga Pinay na nakauwi pa rin sa bansa at nakaligtas sa maaring kamatayan nila sa kamay ni Cesar Gebara

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakagulangtang ang mga kwentong siniwalat ng ilang OFW na naging empleyado di umano ni Cesar Gebara, anak ng maimpluwensiyang pulitiko sa Lebanon.

Di lang isa kundi tatlong mga Pinay na nakilalang sina Frenslyn Villarin, Felma Reyes, Leanne Joy Roflo, ang kalunos-lunos ang dinanas sa kamay ni Gebara.

Halos pare-pareho ang kanilang mga salaysay ng pagmamaltrato sa kanila ni Gebara.

Nandung murahin sila, tawagin silang maruming mga babae, trabahong wala halos pahinga at ang masaklap pa ay ang mga pananakit ng pisikal.

Ilang OFW, buong tapang na isiniwalat ang pagmamaltrato sa kanila ng anak ng pulitiko

Leanne Joy Roflo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Sinubukan naman nilang magsabi agad na aalis na lamang dahil di talaga nila kinakaya ang pang-aabuso ng amo ngunit nagawa pa silang takutin nito.

Dahil nga mula sa ma-impluwensiyang pamilya ang mga Gebara, nagagawa nitong takutin ang mga Pinay na kaya umano ang mga ito na ipakulong na lamang o ang masaklap ay ang patayin.

Bagaman at sa magkakaibang pagkakataon nanilbihan ang mga Pinay sa mga Gebara, pare-pareho silang pinahirapan nito bago sila tuluyang palayain at pauwiin.

Ang isa pa nga sa kanila na si Frenslyn Villarin ay nakarating ng airport na walang saplot at walang gamit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabuti na lamang at may dalawang Pinay na nakakita sa kanya sa airport. Agad siyang tinulungan ng mga ito. Maging ang staff at crew ng Qatar Airways na siyang sinakyan pabalik ni Frenslyn sa Pilipinas ay naging matulungin sa kanya at nagpakita ng malasakit sa Pinay.

Masasabing maswerte pa rin daw ang mga Pinay na ito sapagkat nakauwi pa sila ng buhay sa Pilipinas. Ngunit sigaw pa rin nila ang hustisya sa ginawa ni Cesar Gebara sa kanila upang di na ito umulit pa sa mga susunod na magiging kasamahin ng mga ito sa bahay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Groufie' ng mga bata sa isang fast food chain, ikinatuwa ng mga netizens

Groufie' ng mga bata sa isang fast food chain, ikinatuwa ng mga netizens

Groufie' ng mga bata sa isang fast food chain, ikinatuwa ng mga netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel