PBB housemates Fumiya at Yamyam, kinilala bilang pinaka-bagong comedy duo

PBB housemates Fumiya at Yamyam, kinilala bilang pinaka-bagong comedy duo

- Kinilala nga raw sina PBB housemates Fumiya at Yamyam bilang pinaka-bagong comedy duo

- Inihalintulad pa umano sila kina Dolphy at Panchito

- Masaya naman ang dalawa dahil dito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na inihalintulad daw ang dalawa sa pinakapaboritong PBB housemates sa Bahay ni Kuya na sina Fumiya at Yamyam sa hari ng komedya Dolphy at sidekick nitong si Panchito.

Ito ang balita na ibinahagi una ng push.com.ph, at ani pa sa source media outlet, todo raw ang pasasalamat nina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong dahil sa pagkahalintulad ng mga tao sa kanila sa dalawang mga legends sa comedy.

Kaya naman kinilala na raw sila bilang ang pinaka-bagong comedy duo sa bansa.

Hindi naman makapaniwala ang dalawa dito at ani pa ni Fumiya, "Talaga? I didnt know that outside people think like that," na halos di raw masabi ang naramdaman.

Pumatok naman talaga sa mga manunuod ng Pinoy Big Brother ang natatanging pagkakaibigan nina Fumiya at Yamyam simula noong unang araw pa lamang nila sa Big Brother house.

Marami umano ang natuwa at humanga sa pagiging totoo at praktikal nila sa kabila ng kanilang pagka-iba ng lenggwahe.

Nakilala ang dalawa bilang "spiritual brothers," at ngayon, mas kilala na sila bilang ang FumiYam tandem.

Sina Fumiya at Yamyam ay dalawa sa bumubuo sa first adult Big 4 sa PBB Otso.

Ang dalawa na kasama nila ay sina Andre Brouillette at Lou Yanong.

POPULAR: Read more news about PBB Otso here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay

4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay

4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel