Imahe ni Kristo na nabuo sa pagsusunog ng basura, may dala di umanong milagro

Imahe ni Kristo na nabuo sa pagsusunog ng basura, may dala di umanong milagro

- Himala raw na maitututring ang pagkabuo ng imahe ni Kristo sa pader sa Tiaong, Quezon

- Nabuo lamang ang imahe sa tambakan ng basura kung saan sinusunog ang basura at may nakasama raw kalendaryo na may larawan

- Bagaman at marami ang naniniwala, ilan naman ang nagsabing mula lang talaga ito sa usok at walang anumang milgro itong dala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang imahe ng mukha ni Kristo na lumabas sa pader ng tambakan ng basura sa Tiaong, Quezon.

Ayon sa panayam ng progrmang Kapuso mo Jessica Soho, maraming residente ang nagpatotoo na tila isang himala ang paglitaw ng imahe sa pader.

Napag-alamang ang residente ng lugar na si Rogelio De Luna ang siyang nagsiga ng mga basura sa may tambakan. Di nila agad napansin agad ang imahe matapos niyang magsunog ng basura na may kasama pa lang kalendaryo na may imahe ni Kristo.

Marahil ito raw ang dahilan ng paglabas din ng mukha ni HesuKristo roon.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Ang isa pang nakapagtataka rito, kahit nakailang beses na ang pag-ulan mula nang Disyembre kung kailan ito lumitaw, ay di pa rin ito nabubura.

Samantala, ilang residente rin ang nagpatotoo na may dalang milagro ang imahe. Isa na rito ang 73 anyos na si lola Dading na dito na lamang nagdarasal dahil may dalang ginhawa raw ang imahe matapos siyang magdasal.

Kwento naman ng kobrador ng Small town lottery sa lugar, wala raw silang pambili ng bigas sa araw na iyon. Naisipan niyang dumaan sa imahe at doon ay tila ba hinamon pa niya ito na kung totoo, bigyan siya ng pambili ng bigas na kanilang kakanin kinabukasan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanalo nga siya sa STL at ang napanalunan niya ang pinambili ng bigas. Kinilabutan daw talaga siya dahil para sa kanya, isa itong milagrong maituturing.

Ayon pa sa may-ari ng tindahan sa tapat ng pader kung nasaan ang imahe, tila naging bantay ang mukha ni Kristo sa lugar dahil nabawasan na ang nagaganap na aksidente roon.

Mula nang lumabas kasi ang imahe, wala na gaanong naaksidente di gaya dati na madalas madisgrasya ang mga tumatawid.

Ngunit paliwanag ng ilang eksperto sa sunog gaya ng mga bumbero, tila normal lang naman daw ang pagkakaporma ng imahe dahil sa di pantay ang pader. Talaga lamang daw na pa-trayanggulo ang porma ng usok dahil ito ang normal na hugis ng usok na mula sa pagsisiga.

Gayunpaman, marami pa rin ang naniniwalang isa itong milagro lalo pa at nalalapit na ang Semana Santa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel