14-anyos na natagpuang patay sa poso negro, may koneksyon sa pumatay sa kanya

14-anyos na natagpuang patay sa poso negro, may koneksyon sa pumatay sa kanya

-Matapos matagpuang patay at basta na lang itinapon sa isang poso negro ang 14-anyos na si Thesa Marie Ygay, lumutang ang pangalan ng isang suspek

-Ayon sa imbestigasyon, mayroong relasyon ang biktima sa suspek na kilala rin ng kaniyang ama

-May mga witness rin na nagsabing ang tinutukoy na lalaki ang huling nakitang kasama ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa mga pulis sa Danao City, posibleng may kinalaman ang security guard na si Jessie Montes Mediquillo, 36-anyos, sa pagkamatay ng 14-anyos na si Thesa Marie Ygay.

Noong Lunes, Abril 8, natagpuan ang katawan ni Ygay sa loob ng poso negro ng Cogon Cruz Intergrated School kung saan nagta-trabaho si Mediquillo.

Biyernes, Abril 5, bandang 7:00 ng gabi huling nakita si Ygay kasama ang suspek sa loob ng guard house ng nasabing eskwelahan ayon sa ilang witness.

Abril 6 nang ma-i-report ang pagkawala nito. Habang may mga dugo namang nadiskubre sa loob ng guard house.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, napag-alamang ang suspek na pala ang nagbabayad sa ilang bayarin ng biktima sa eskwelahan.

Kaibigan umano ito ng tatay ng biktima at nang mag-dalaga ito ay doon na umano nagkaroon ng damdamin ang suspek para rito.

Madalas rin umanong magkita ang dalawa sa guard house ayon sa report.

Tinatakot umano ng suspek na papatayin ang pamilya ng biktima kapag hindi ito sumipot.

Bukod rito, may blotter report na rin ang suspek dahil minsan umanong inahit nito ang buhok ng biktima.

Nagagalit umano ito kapag umaalis ang biktima ng walang pahintulot mula rito.

Sabi sa report, hinayaan na lang ng ama ng biktima ang "relasyon" ng mga ito dahil wala itong trabaho at inisip na lang umano na mas makakabuti ito sa kanyang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel