1 sa mga suspek sa Bulacan massacre, natagpuang patay sa kulungan

1 sa mga suspek sa Bulacan massacre, natagpuang patay sa kulungan

-Natagpuang patay ang isa sa mga suspek sa Bulacan massacre na si Joselito Cortez, sa loob ng banyo ng kulungan

-Ayon sa ulat, nag-bigti ang suspek dahil sa konsensiya

-Nag-iwan pa ito ng isang suicide note para humingi ng tawad sa kanyang nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posibleng hindi na umano kinaya pa ng suspek na si Joselito Cortez ang labis na konsensiya sa nagawang pagpatay kung kaya nag-bigti na lamang ito sa loob ng banyo kung saan ito nakakulong.

Si Cortez ay isa sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-iinang Jaymee Casabuena at mga anak nitong sina Gabriel, 8-anyos, at Joaquin Mateo, 5-anyos noong Abril 3 na unang naibalita ng KAMI.

Ayon sa ulat ng GMA News, natagpuan ang katawan ni Cortez ng kapwa detainee, nito lamang Martes badang 2:00 ng madaling araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang panayam kay Police chief Lieutenant Colonel Orlando Castil Jr. ng San Jose del Monte Bulacan, balisa ang suspek simula ng maaresto ang mga ito.

“For the past few days, itong suspect ay napapansin na kakaiba na, balisa siya. Hindi nga kumakain ng maayos po eh,” ani Castil.

Ayon pa rito, nag-iwan pa ng isang suicide note si Cortez.

“According doon sa sinulat niya, napakalaki daw ng nagawang niyang kasalanan at sana patawarin daw po siya,” anito.

Si Cortez umano ang pumatay sa saksak sa dalawang bata. Nagtamo si Gabriel ng 21 stab wounds habang ang bunso naman na si Joaquin ay nagtamo ng 15 stab wounds.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel