Engr na dating nakatira sa barong-barong handa ng lumipat sa kanyang dream house

Engr na dating nakatira sa barong-barong handa ng lumipat sa kanyang dream house

-Naghirap man noon at naging saksi sa hirap ng kanyang pamilya,'di ito naging hadlang para mangarap ang dating nakatira lang sa barong-barong

-Dahil dito, inihahanda na niya ang kanyang pangarap na bahay upang kanila nang matirahan

-Kaya naman todo ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng patuloy na biyaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ibinahagi ng netizen na si Pau Bi sa kanyang Facebook post ang katuparan ng isa niyang pangarap.

Bata pa lang raw si Pau ay mahilig na siya sa mga desenyo ng bahay kaya naman minsan niyang pinangarap na maging isang Arkitekto.

Ngunit dahil sa kahirapan ay hindi na ito natuloy at sa halip ay kumuha siya ng kursong Engineering.

Kwento pa ni Pau, dati silang nakatira sa maliit na bahay na kailangan silang pagkasyahin lahat.

Madalas rin daw silang mabiktima ng baha sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mulat siya sa kanilang buhay na salat sa maraming bagay ngunit ito rin ang kanyang naging lakas para magtagumpay.

Nang makatapos silang magkapatid ay magkatulong na raw sila para mairaos ang pamilya.

Kaya naman sa kanyang FB post, masaya niyang ipinakita ang kanilang dream house na inihahanda niya para malipatan.

'Di rin niya nakalimutang magpasalamat sa pamilya na pinag-aalayan ng kanyang pagsasakripisyo.

Siyempre pa, ang Panginoon na Siyang nagbigay ng biyaya para maabot niya ang minsa lang ay pinangarap niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel