Unang autopsy kay Christine Silawan, pinanindigan ng doktor ng PNP
-Magkasalungat ang naging resulta ng autopsy ng PAO forensic team at ng PNP crime lab sa katawan ng 16-anyos na si Christine Lee Silawan na pinatay noong Marso
-Sa unang autopsy na isinagawa ng PNP crime lab, lumalabas na hindi nagahasa ang biktima
-Habang sa resultang lumabas naman sa autopsy ng PAO rito ay nagpositibong ginahasa ang dalaga
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Pinanindigan ni Dr. Benjamin Lara, chief medico legal officer ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) ang una niyang sinabing posibleng 'di nagahasa si Christine Lee Silawan bago ito patayin.
Si Silawan ang 16-anyos na dalagang natagpuang patay at kita ang bungo sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City noong Marso 11.
PAY ATTENTION: The Meghan Effect: 10 Brands Whose Sales Skyrocketed In Recent Years Because Of Meghan Markle
Habang ang resulta naman na lumabas sa autopsy ng Public Attorney’s Office (PAO) forensic team ay nag-positibo na ginahasa ang biktima na naiulat na ng KAMI.
Wala umano siyang nakitang hematoma o injury sa pribadong parte ng katawan nito
“As far as my examination is concerned, I did not find any abrasion or hematoma” sabi ni Lara.
Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, confident si Lara sa resultang lumabas mula sa pag-eksamin niya sa katawan ng biktima dahil sariwa pa umano ito noon.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Isinagawa niya ang autopsy isang araw matapos makita ang katawan ng dalaga.
Matatandaang wala ng pang-ibabanag saplot si Silawan ng makita ang bangkay nito. Wala na rin ang ibang parte ng katawan nito.
Sa kabila nito, aminado naman daw si Lara na hindi sapat ang kanyang findings para masabing hindi nga nagahasa si Silawan.
Sinang-ayunan naman ni Lara ang findings ng PAO forensic team na posibleng gumamit ng asido ang mga suspek para balatan ang mukha ng biktima.
“There is really a possibility that any corrosive or caustic agent was used in this case. But whatever it was, I cannot commit to that,”
Primary suspect sa kaso ang dating kasintahan ng dalaga na isang 17-anyos na binatilyo.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI
Source: KAMI.com.gh