Bus driver, tinalakan at sinapak pa ng 2 babaeng motorista dahil sa away-trapiko

Bus driver, tinalakan at sinapak pa ng 2 babaeng motorista dahil sa away-trapiko

-Sinigawan at sinapak ng dalawang babaeng motorista ang isang bus driver sa isang viral video sa social media

-Ayon sa mga ito, nagagalit sila dahil muntik na silang banggain ng bus

-Ngunit sabi naman ng ilang mga pasahero ng bus, ang sasakyan umano ng mga ito ang biglang sumingit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na nag-viral sa social media ang isang video kung saan isang bus driver ang sinigaw-sigawan at sinapak pa ng dalawang babae.

Ang alitan sa pagitan ng mga ito nagsimula umano nang muntik nang banggain ng bus driver ang sasakyan ng dalawa na may kasama umanong bata.

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Dahil dito, labis na nagalit ang mga ito at inakyat pa ang bus.

Agad namang umawat ang kundoktor, ilang pasahero at maging ang isang enforcer nang saktan ng isang babae ang driver.

Bagamat iginigiit ng mga babae na sila ang muntik nang banggain ng bus, ilang pasahero naman ang nagsabing ang sasakyan ng dalawang babae ang sumingit sa daan.

Ang insidente, naibalita na rin ng GMA News at ipinakita kay Edsa Traffic Chief Bong Nebrija ang nasabing video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Makikita niyo po dito na inakyat pa yung bus, yes ,siguro na-offend sila bago yong aksidente na to sinasabi niya muntik silang i-cut, muntik silang banggain.

As a motorist you can call the attention of any enforcer and report this matter for reckless driving. kasi po yung reckless this can result to an accident, it's an accident waiting to happen," sabi nito sa panayam ng GMA.

Payo naman ng mga awtoridad, panatilihing kalmado ang sarili kapag nagmamaneho at ibaling na lang sa ibang bagay tulad ng pakikinig ng musika.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel