Grade 10, paralisado dahil sa sakit sa buto na nagsimula lang sa ubo

Grade 10, paralisado dahil sa sakit sa buto na nagsimula lang sa ubo

-Paralisado na ang binatang si D Jhay Mondigo dahil umano sa sakit sa buto na nagsimula lang raw sa simpleng ubo

-Ayon sa kanyang tiyahin, kinakailangan itong maoperahan dahil nabubulok na ang mga buto nito sa likod

-Dahil dito, nangangailangan ng malaking halaga ang pamilya ng binata upang masagip ang buhay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Crisanta Tabenas ang naging kundisyon ng kanyang pamangkin na si D Jhay Mondigo matapos itong ma-diagnose ng sakit sa buto.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Sabi ni Tabenas, nagsimula lang umano ang sakit ng binata sa simpleng ubo at napag-alamang bone TB at ayon pa raw sa doktor ay unti-unting nabubulok ang mga buto nito sa likod.

Ang bone TB ay isang uri ng extrapulmonary tuberculosis na nakaka-apekto sa spine, mahahabang buto at joints.

Ilan sa mga sintomas nito ay fatigue, lagnat, night sweats at pagbaba ng timbang.

Dahil rito, kinakailangang ma-operahan ang binata at nangangailangan ang pamilya nila ng malaking halaga upang maisalba ang buhay nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman kumakatok ang mga kaanak ni D Jhay sa mga may mabubuting puso para sa tulong pinansiyal.

Kailangan nito ng P400,000 para sa operasyon ayon sa FB post ng kanyang tiyahin.

Grade 10 na si D Jhay at magtatapos na sana ngunit hindi na kinaya pa ng katawan nito ang tumamang sakit.

Paralisado na ito at kasalukuyang nasa Philippine Orthopedic Center Hospital.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Japoy Lizardo and wife to have another baby

Japoy Lizardo and wife to have another baby

Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel