5 Pinoy celebs na gumraduate na top of the class o "with latin honors"

5 Pinoy celebs na gumraduate na top of the class o "with latin honors"

Sila ang 5 sa iilang Pinoy celebrities na napag-alaman ng KAMI na tinapos ang pag-aaral with flying colors.

Pinatunayan ng mga sikat na ito na hindi lang sila bida sa showbiz o entertainment industry kung hindi pati sa pag-aaral.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit busy ang kanilang daily schedules sa kani-kanilang mga tapings, hindi umano pinalampas ng 5 Pinoy celebs na ito na makapagtapos sa kolehiyo na top of the class.

1. Shamcey Supsup

Bago pa raw lumaban si Shamcey Supsup sa Miss Universe stage noong 2011 ay gumraduate raw ang dating beauty queen at ngayon ay mother of two bilang isang 'magna_cum_laude' sa University of the Philippines Diliman sa kursong Architecture.

Dagdag pa sa ulat ng gmanetwork.com, pinarangalan din umano si Shamcey bilang top board examiner sa Philippine Licensure Exam noong 2010.

2. Venus Raj

Isa pang beauty queen na hindi lang ang pagiging confidently beautiful at pagrampa ang pambato kung hindi pati rin sa pag-top sa klase.

Gumraduate naman daw si Miss Universe 2010 4th runner-up bilang 'cum_laude' sa kursong Communication Arts sa Bicol University sa Legazpi City.

At noong 2017, natapos na din niya ang kanyang masteral degree sa UP Diliman.

3. Benjamin Alves

Bukod pa sa pagiging GMA Network Excellence Award Ambassador ni Kapuso actor Benjamin Alves ay nagtapos din siya bilang 'summa_cum_laude' sa University of Guam sa kursong English Literature.

4. Renz Valerio

Gumraduate din na top of the class ang batang Kapuso actor na si Renz Valerio.

Nagtapos siya bilang 'magna_cum_laude' sa Our Lady of Fatima University sa kursong Business Administration

Bukod daw dito, nakuha rin ng aktor ang parangal na 'Best in Marketing Research at Academic Excellence' sa kaniyang pag-graduate.

5. Yasmien Kurdi

At kamakailan, isa na namang Pinay celeb ang dumagdag sa listahan ng mga top of the class artists sa showbiz.

Ito ay walang iba kung hindi ang First Princess ng StarStruck season 1 na si Yasmien Kurdi.

Nagtapos bilang 'magna_cum_laude' si Yasmien sa kursong Political Science sa Arellano University.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Zia Dantes, so happy as she tries the zipline for the first time

Zia Dantes, so happy as she tries the zipline for the first time

Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel