Viral na homemade pepper spray, patok na "depensa" ng mga kababaihan

Viral na homemade pepper spray, patok na "depensa" ng mga kababaihan

- Binahagi ng isang netizen ang kanyang homemade pepper spray na mas epektibo pa raw kaysa sa mga naabibili sa komersyo

- Mas matindi raw ang pinsala sa sinuman ang magagamitan nito lalo na at dumarami na namang ang mga krimen na madalas mga babae na naman ang mga biktima

- Maraming netizens lalo na ang mga kababaihan ang nagpahayag na gagawin rin nila ito upang madala araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Marry Ferjel Babasa nitong Martes kung saan binahagi niya kung paano gumawa ng tinawag niyang "DIY (do-it-yourself) pepper spray".

Nalaman ng KAMI na binahagi ito ni Marry dahil sa dumarami na naman daw ang masasama ang loob na ang madalas na biktima ay ang mga kababaihan.

Sinasabing mas matapang at mas epektibo raw itong depensa kumpara sa mga pepper spray na nabibili sa komersyo.

Gumamit lamang siya ng spray bottle na marami nang mabibili ngayon sa mall, maraming sili na tindtad niya ng husto upang mas lumabas ang anghang, nilagay ito sa bote na may kaunting tubig at gawa na ang DIY pepper spray.

PAY ATTENTION: 15 True Facts About Meghan Markle Before Meeting Prince Harry

Para raw masubukan kung gaano katapang ang ginawang pepper spray, maari raw subukan ito sa papel saka amuyin kung gaano kalakas ang epekto nito.

Samantala, maraming netizens ang nagpakita ng pagtangkilik dito lalo na ang mga kababaihan.

Nakalulungkot daw kasing isipin na tumataas na naman ang bilang ng mga krimen na ang madalas na biktima ay mga kababaihan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"gawa mo ko neto beb hahaha"
"peborit weapon mo. Eto sinasabe ko sayo"
"Galing! magawa nga to!"
"Ayos to ah! mukhang mas matapang to..."
"Wow... magawa nga. ewan ko lang kung maka-gulapay pa ang aatake sakin!"

Umabot na sa 31,000 na reaksyon at 98,000 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica