Video ng 'baby elephant' na sinasaktan para lang sumayaw, kinabahala ng mga netizens

Video ng 'baby elephant' na sinasaktan para lang sumayaw, kinabahala ng mga netizens

- Nadurog ang mga puso ng mga netizens sa video ng tinaguriang "real-life Dumbo sa Thailand na sinasaktan di umano ng trainer nito para lamang sumayaw

- Tinutusok ng matulis na bagay ang elepante pag di ito nagtatanghal para sa mga bisita

- Dahil sa lantarang pagmamaltrato di umano sa mga elepante, naghain ng petisyong ipasara ang naturang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakababahala ang video ng mga elepanteng sinasaktan umano kung hindi magsayaw at magtanghal sa isang zoo sa Phuket, Thailand.

Sa video na binahagi ng LADBible, makikita sa umpisa na ganado pang magsayaw ang mga elepante sa saliw ng masayang tugtugin kaya naman tuwang-tuwa ang mga turistang nanonood sa pagtatanghal.

Ngunit nang humihinto na ang batang elepante, mapapansing tinutusoktusok na ito ng kanilang trainer upang mapasayaw muli.

PAY ATTENTION: Exciting Details About The Casting Of The Long Nights, A Prequel To Game Of Thrones

Lumalabas na tila isang parusa ang panunusok sa tinaguriang "real-life Dumbo" na kung di ito magsasayaw, sasaktan ito ng mga tagapag-alaga sa kanila.

Lumabas din sa imbestigasyon na bukod sa panunusok, nagagawa ring hilahin sa kanilang tainga ang mga elepante kung ayaw nitong lumabas sa kanilang lungga.

Tinatayang nasa tatlong beses isang araw pinalalabas ang mga elepante para magtanghal.

Ang mas nakababahala pa rito ay ang kapansin-pansing pagiging malnourished ng ilan sa mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, nagkaroon na ng petisyon ang independent movement na Moving Animals na siya ring nagsagawa ng imbestigasyon.

Dumarami na ang pumipirma upang tuluyang maipasara ang zoo na nagpapahirap sa mga kaawa-awang elepante.

"No elephant should have to live in such heartbreaking conditions. And 'Dumbo' deserves to spend the rest of her life in a place where she can feel happiness and peace," ayon sa kinatawan ng Moving Animals.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel