Inang di na makatayo dahil sa cancer, sinamahan parin ang anak sa graduation

Inang di na makatayo dahil sa cancer, sinamahan parin ang anak sa graduation

- Kahit masakit ang katawan, pinilit pa rin ng inang tinamaan ng cancer ang anak niyang nagtapos ng elementarya

- Dahil sa karamdaman ng ina, inakala ng bata na ang lola lamang niya ang kanyang makakasama sa prosesyunal

- Naging emosyonal ang seremonya ng pagtatapos nang dumating ang ina upang samahan ang anak sa prosesyunal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ni Ethel Canalas, isang inang may malubhang karamdaman na sinikap dumalo sa pagtatapos ng panganay niyang anak.

Ayon sa ABS-CBN, dinapuan ng stage 4 renal cell carcinoma, o kanser sa bato si Ethel na mabilis kumalat sa kanyang katawan, dahilan upang siya ay maging baldado na lamang.

Nakakausap at nakagagalaw pa naman siya ngunit limitado lamang. Ang kanyang dalawang babaeng anak ang tumutulong rin sa pag-aalaga sa ina.

PAY ATTENTION: 12 Most Unique Celebrity Weddings

Napilitang huminto sa trabaho ang asawa ni Ethel upang siya rin ay maalagaan.

Kwento ni Ethel, di siya sanay sa ganitong sitwasyon dahil dati siyang may aktibong pamumuhay at siya ang nag-aalaga noon sa kanyang pamilya.

Masakit para sa kanyang di na niya nagagawa ang mga bagay na ito.

Ngunit hiling ni Ethel na makadalo sa pagtatapos ng elementarya ng kanyang panganay na anak na si Christiana Renee Canales.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit di na kasi nasusubaybayan ng ina ang pag-aaral ni Christiana ay di ito naging pabaya. Katunayan nakamit niya ang second honor ng lahat ng nagsipagtapos sa kanilang batch.

Dahil sa karamdaman ng ina, inakala ni Christiana na ang lola na lamang niya ang kanyang makakasama sa mahalagang araw na iyon.

Sa tulong ng programang Rated K, natulungan nilang makadalo si Ethel kahit pa masakit ang katawan nito.

Kaya naman nang makarating ito sa okasyon, halos naging emosyonal ang lahat nang makitang siya ang kasama ni Christiana sa prosesyunal.

Sa sandaling iyon, pinaglabanan niya ang hirap na dala ng kanyang karamdaman upang maging ina muli sa kanyang mga anak na siyang nakasuporta sa kanila lalo na sa mahalagang araw tulag ng pagtatapos.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, dalang-dala sa tawa ng 'Favorite Celebrity Baby Endorser' na si Chambe

Netizens, dalang-dala sa tawa ng 'Favorite Celebrity Baby Endorser' na si Seve

Netizens, dalang-dala sa tawa ng 'Favorite Celebrity Baby Endorser' na si Seve
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel