Anak ng OFW, natanggap ang kanyang pinakahihiling na regalo sa kanyang graduation

Anak ng OFW, natanggap ang kanyang pinakahihiling na regalo sa kanyang graduation

- Nag-viral ang nakakatuwang regalo na pinakahihiling ng isang batang nagtapos ng elementarya

- Hindi ito humiling ng mga mamahaling gamit gaya ng cellphone at laptop, aalagang kambing ang matagal na niyang nilalambing sa kanyang pamilya

- Bagaman at anak ng OFW ang bata, natagalan pa rin bago maibigay ang hiling na kambing kaya naman nang matanggap niya ito, walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa batang si Alwytz Robiniol Gaoiran dahil sa kakaibang regalo na matagal na niyang hinihiling as kanyang mga magulang.

Ayon sa OFW tambayan.net, pasko pa raw hinihiling ni Alwytz na magkaroon ng aalagaan niyang kambing.

Dahil sa kakulangan pa noon ng budget para rito, di napagbigyan ang bata sa kanyang hiling.

Kahit OFW pa sa Kuwait ang ina, aminado ang kanilang pamilya na minsan, di rin sumasapat ito sa kanila.

Hilig kasi talaga ng 11 anyos na si Alwytz ang mag-alaga ng hayop. At sa kanyang pagtatapos ng elementarya, tinupad ng kanyang kuya ang hilig ni Alwytz na kambing.

Sa post ng kuya niya na nakilalang si Alvin Gaoiran Robiniol, tinanong niya ang kapatid kung ano ang gusto nitong regalo sa kanyang pagtatapos.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Imbis na cellphone o tablet na kadalasang hiling ng mga kaataan ngayon, kambing ang hiling pa rin ni Alwytz.

Kita sa larawan niya ang labis na kasiyahan. Ayon pa sa kuya, buntis ang niregalong kambing kaya dapat lamang alagaan ni Alwytz. Paramihin na rin daw sana ito ng bata dahil sa pagbabakasakaling ito na ang simula ng pagkakaroon nila ng farm balang araw.

Aminado ang kanyang kuya na sa anim pa niyang mga kapatid, paborito niya talaga si Alwytz kaya naman pinagbigyan niya ang hiling nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natuwa ang mga netizens kay Alwytz dahil sa bibihira na talaga ang bata ngayon na hihiling ng hayop upang alagaan at maari ring gawing negosyo.

Hangad din nila na matupad ang iba pang kahilingan ni Alwyz gaya na lamang ng pagkakaroon ng sarili niyang farm sa takdang panahon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel