Binatilyong aminadong 'beki', pinili pa ring magpatuli

Binatilyong aminadong 'beki', pinili pa ring magpatuli

- Pinili pa ring magpatuli ng isang binatilyong LGBT

- Napapakanta pa ito habang ginagawa ang proseso

- Kinagiliwan ng mga netizens ang ginawa na ito ng binatilyo na kahit nasasaktan, nagawa pa ring magpatawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng mga netizens ang isang beki na naisipan pa ring magpatuli.

Simula na ng summer vacation, kaya naman nauuso na naman ang pagpapatuli. Umaabot kasi ng nasa dalawang linggo ang pagpapagaling ng prosesong ito kaya naman sakto ang bakasyon sa paaralan ng mga kabataang lalaki na nasa edad na para ipagawa ito.

Sa ulat ng GMA news, isa na raw dito ang 14 anyos na si Marty Anjelo Natal o mas kilala na "Jela".

Bagaman at aminadong miyembro siya ng LGBT community pero buong tapang parin siyang pumila upang magpatuli.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Tuwang tuwa ang mga kasabayan niya sa Barangay Molino Dos, Cavite dahil naka-lipstick pa si "Jela" na humarap sa doktor na magtutuli sa kanya.

Ang mas nakakatuwa pa, nakuha pa niyang kumanta habang sinasagawa ang proseso.

Di rin daw siya gaanong nasaktan at sinabing mas masakit pa ang palo ng kanyang amo kaysa sa tuli.

Sinasabing mahalaga sa isang lalaki ang pagpapatuli upang makaiwas sa ilang sakit tulad ng UTI o urinary tract infection.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paalala naman ng mga doktor na huwag basta ipagawa ang pagpapatuli sa pamamagitan ng pagpupukpok.

Bukod sa impeksyon na maaring mangyari, labis na pagdurugo ang mararanasan kumpara sa pagpapagawa sa doktor.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel