81 anyos, sinikap na magtapos dahil sa panloloko ng kanyang kapitbahay

81 anyos, sinikap na magtapos dahil sa panloloko ng kanyang kapitbahay

- Viral ngayon ang kwento ni Salvacion Nacario, ang 80 anyos na lola na nagtapos ng senior high school noong Abril 4

- Nabanggit niyang isa sa mga rason ng pagsusumikap niya sa pag-aaral ay ang minsang panloloko sa kanya ng kanilang kapitbahay sa bentahan ng lupa

- Inspirasyong maituturing si lola Salvacion sa marami dahil sa pagpapakita niyang walang pinipiling edad ang pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taas noong nakapagtapos ng Senior High school ang ngayo'y 80 anyos na lola na si Salvacion Nacario.

Nakuha niya ang kanyang diploma sa seremonyang ginanap sa Marquis Events Place noong Abril 4.

Si nanay Sally sa kanyang mga kaklase sa Fort Bonifacio high School Sa Makati city ay nagsisilibing inspirasyon lalo na sa mga kabataang kinatamaran ang pag-aaral.

Isa siyang patunay na walang pinipiling edad ang edukasyon lalo na ang pagkatuto.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Sa post ng netizen na si Karavatski Imelda, naitanong niya kumbakit ninais pa ng matanda na mag-aral sa kabila ng kanyang edad.

"Kasi kulang ako sa kaalaman. Niloko ako Ng kapitbahay ko. Sinanla ko ang lote sa halagang 5000 libo, pinapirma ako sa blankong papel," sagot ni nanay Sally na siyang dumurog sa puso ng marami.
"Sa lahat na di nag-aaral, hinde pa huling mag-aral,"dagdag na pahayag pa ni nanay Sally.

Maging ang kanyang mga kaklase ang labis na humahanga sa sipag at tiyagang pinakita ng matanda. Tulad na lang ng post ng isa kanyang mga kaklase na si Chryzaine Dionisio.

Minsan nang napabalita ang kwento ni nanay Sally noong siya ay mapabilang sa mga completer ng Moving up ceremonies nila noong siya ay nasa grade 10 pa lamang.

Samantala, maging ang mga netizens ay bumilib sa dedikasyon ng matanda na makapag-aral.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10161824473750624&set=a.10153475831550624&type=3&theater

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" Congratulations! You inspire others to reach their goal. Age is just a number!"
"Learning for life...congrats!"
"Wow super proud God bless u nanay"
"Congratulations, Nanay Salvacion. Everyone is so proud of you"
"Hats off Nanay ,, so proud of you po!"
"See what determination can do"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf

"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf

"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel