Kasal at libing, pinag-isa ng groom matapos mamatay sa aksidente ang bride

Kasal at libing, pinag-isa ng groom matapos mamatay sa aksidente ang bride

-Itinuloy pa rin ng isang sundalo ang nakatakdang kasal nila ng kanyang nobya kahit pa ito ay pumanaw na

-Ikakasal na sana at handa na ang halos lahat sa pinakahihintay na araw ng dalawa ngunit tinapos ito nang maaksidente ang bride-to-be

-Nagawa pang halikan ng groom sa huling pagkakataon ang kanyang yumaong bride

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang masalimuot na pangyayari ang pumalit sa sana'y masayang araw ng pag-iibigan ng mag-nobyong Brian at Danica.

Nakatakda na sanang ikasal ang dalawa ngunit namatay sa aksidente ang bride-to-be na si Danica.

PAY ATTENTION: 15 Super Expensive Celebrity Weddings That Ended In A Divorce

Nabangga ang sinasakyang kotse nito sa isang nakaparadang van sa tabing-daan na minamaneho ng kanyang ama.

Ang masaklap pa, apat na buwang buntis na si Danica at kagagaling lang nito sa check-up nang maganap ang aksidente noong Marso 25.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Handa na sana ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib at mismong si Danica pa ang gumawa ng kanilang mga souvenir.

Sa kabila nito, ninais pa rin ni Brian na ituloy ang kanilang kasal kung kaya humingi siya ng pahintulot sa simbahan.

Bagamat pumayag ang simbahan na maglagay ng dekorasyon na parang sa isang kasal, hindi pa rin ito maituturing na kasal dahil ang seremonya ay para lang daw sa mga buhay.

Kaya naman sa araw ng libing ni Danica, nagawang lumakad ni Brian kasama ito na tila sila ikakasal.

Ginanap ang misa para kay Danica sa kanyang libing at nagawa pang halikan ni Brian sa huling pagkakataon ang pinakamamahal.

Lubos na nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ng dalaga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zia Dantes, so happy as she tries the zipline for the first time

Zia Dantes, so happy as she tries the zipline for the first time

Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel