Pinay, patay matapos mahulog sa 1 waterfall sa Hong Kong habang nagse-selfie

Pinay, patay matapos mahulog sa 1 waterfall sa Hong Kong habang nagse-selfie

-Patay ang isang Filipina sa Hong Kong habang ito ay nag-se-selfie

-Ayon sa ulat, kasama ang babae sa grupo ng mga hikers kabilang ang isang kapatid nito at apat na kaibigan

-Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang patay na kinalaunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naisugod pa ang isang Filipina sa Tun Mun hospital sa Hong Kong matapos itong mahulog sa Tai Po waterfall.

Wala itong malay nang dalhin sa ospital at idineklarang patay na kinalaunan ayon sa ulat ng South China Morning Post.

PAY ATTENTION: Top 15 Wedding Photographs That Blew Our Minds Away

Ayon pa sa ulat, nasa Tai Mo Shan Country Park sa Tai Po ang Pinay na kasama sa isang grupo ng mga hikers.

Kasama nito ang isang kapatid na babae at apat na kaibigan nang bigla na lamang makarinig ang mga ito ng sigaw mula sa dalaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon nalaman nilang nahulog na pala ang dalaga 15 metro ang taas at nakuha ang katawan nito sa tubig ayon sa mga pulis.

Sabi ng mga kasama nito, nag-se-selfie lamang ito nang 'di sinasadyang madulas na ito.

Kinailangan itong ilipad para dalhin sa ospital ngunit ayon sa spokesperson ng Fire Services Department, binigyan muna ng first aid ang biktima bago tuluyang dinala sa ospital.

Nangyari ang insidente noong Biyernes bandang 11:00 ng umaga.

Napag-alamang ang biktima ay isang customer service officer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Government officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Government officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez

Gov’t officials mourn the passing of former DENR Sec. Gina Lopez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel