NBI: Dugo sa damit at sombrero ng suspek, positibong kay Christine Silawan

NBI: Dugo sa damit at sombrero ng suspek, positibong kay Christine Silawan

-Batay sa DNA test na isinagawa sa damit at sombrero ng 17-anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan, nagpositibong sa dalaga nga ang dugo na nadiskubre rito

-Ayon pa sa mga awtoridad, mas mapalalakas pa nito ang kaso laban sa suspek at dating nobyo ng biktima

-Tinitignan rin ang anggulong ang kaso si Silawan ay isang klase ng initiation rite ng isang fraternity

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Positibong dugo nga ng dalagang si Christine Lee Silawan ang nadiskubre sa damit at sombrero ng 17-anyos na suspek at dating nobyo niyo.

Ito ay ayon mismo sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagsagawa ng DNA test.

PAY ATTENTION: 21 Celebrities Who Preferred To Tie The Knot With Ordinary People

"Napakalakas ng ebidensyang ito.. this will speak for itself... 'yung participation ng suspek," ani Tomas Enrile, director ng NBI Region 7, sa ulat ni Annie Perez ng ABS-CBN News.

Sa isa pang ulat ng ABS-CBN News, sinabing posible ring ang kaso ni Silawan ay isang klase ng initiation rite ng isang lokal na fraternity.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, director ng Police Regional Office (PRO) sa Central Visayas, tinitignan pa lamang nila ang posibilidad ngunit hindi pa rin naman napapatunayan.

Maging ang ilang residente umano sa Sitio Mahayahay ay kumbinsidong mayroong kinalaman ang fraternity sa kaso ng dalagang brutal na pinaslang.

Madalas umanong mamataan ang ilang kabataan sa lugar na nakatambay at umiinom hanggang dis oras ng gabi.

Kung makumpirmang may kinalaman nga ang fraternity, posibleng gawing state witness ang 17-anyos na suspek ayon sa NBI.

Samantala, sa isang artikulo ng KAMI, napag-alamang ipina-blotter ng isang witness sa kaso ang pamilya at abogado ng suspek dahil umano sa pang-ha-harass ng mga ito.

NBI: Dugo sa damit at sombrero ng suspek, positibong kay Christine Silawan

Photo source: Screengrab from Cebu Daily News
Source: Original

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain niya kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain niya kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel