Grade 10 student, di nakadalo ng Moving up day dahil umano sa pagsusuka ng dugo

Grade 10 student, di nakadalo ng Moving up day dahil umano sa pagsusuka ng dugo

- Humihingi ng tulong ang pamilya ng Grade 10 student na di natanggap ang kanyang sertipiko ng pagiging completer dahil sa kakaibang karamdaman

- Pinanawagan ng kanyang guro ang sitwasyon na ito ng binatilyo sa labis na pag-aalala sa kalagayan nito na madalas na palang nagsusuka ng dugo

- Nakaaalarma na ang kalagayan ng estudyante kaya naman kumakatok sa sinumang may mabubuting kalooban ang pamilya ng bata upang maayos itong mapagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Jonathan Escolano ang nakababahalang kalagayan ng kanyang estudyanteng si Jonrex Pinza Santos.

Ayon sa post, 17 anyos na si Jonrex na nag-aaral sa Gumaca National High School sa lalawigan ng Quezon.

Nag-alala ang guro sa di pagdalo ng Moving Up day ng Grade 10 student dahil tatanggap sana ito ng kanyang certificate of completion sa entablado.

Sa kasamaang palad, nalaman ng guro ang nakababahalang nangyari sa estudyante na dumaranas na pala ng madalas na pagsusuka ng dugo.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Sa mismong araw ng kanilang Moving Up na ginanap noong Abril 3, dinala na pala sa bayan ng Lucena si Jonrex dahil muli na naman itong sumuka ng dugo.

Bagaman at sa Open High naka-enrol si Jonrex kung saan tuwing Sabado lamang ang kanyang klase, di nito ininda ang karamdaman at pilit pa rin pumapasok sa paaralan.

Labis na humanga ang kanyang adviser na si sir Jonathan sa determinasyon ng binatilyo kaya naman nalulungkot din siyang ganito na pala ang kalagayan ng kanyang estudyante.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, binahagi ng guro ang kalagayan ni Jonrex upang makarating sa sinuman ang nais na magpabatid ng tulong dito.

Kinakailangan na ng agarang gamutan ng binatilyo dahil lubhang di pangkaraniwan ang kanyang kalagayan.

Umaasa ang guro na babaha ng tulong sa kanyang estudyante sa anumang paraan na kaya ninuman.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Pinoy celeb kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celeb kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel