Batang putol ang isang binti, maluha-luhang tinanggap ang kanyang medalya

Batang putol ang isang binti, maluha-luhang tinanggap ang kanyang medalya

- Viral ngayon ang larawan ng dalagitang putol ang isang binti na nagtapos ng Grade 6

- Nasa apat na kilometro raw ang nilalakad nito araw-araw sa pagpasok nito sa paaralan sa loob ng anim na taon

- Ginawaran siya ng medalya ng pagkilala sa kanyang sakripisyo sa pagpasok sa paaralan at pagsusumikap na makatapos ng elementarya sa kabila ng kanyang kondisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng isang dalagitang nakilala na si Jean Arija Daipal kung saan sa kabila ng kanyang kapansanan, napagtagumpayan niyang itawid ang kanyang elementarya.

Sa post ng netizen na si Junar Mahilum binahagi niya ang nakamamanghang kwento ni Jean na putol ang isang binti.

Nalaman ng KAMI na nasa apat na kilometro ang nilalakad ng batang ito araw-araw upang makarating sa kanialng paaralan.

Di lang ito, anim na taon na raw niya itong ginagawa dahil mula pa nang siya ay nag-elementarya, ganito na ang kalagayan niya.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Dahil sa sakripisyo at determinasyon nitong pinakita, ginawaran siya ng medalya ng pagkilala.

Maluha-luhang tinaggap ito ng dalagita na tila di makapaniwalang napansin ng marami ang kanyang paghihirap at pagsusumikap.

Tanging hiling ni jean na magkaroon siya ng artificial leg nang sa gayon ay maibsan ang hirap ng paglalakad niya sa pagpapatuloy niya ng kanyang pag-aaral.

Dahil sa nakaaantig na kuwento na ito ni Jean, marami na raw ang nagpabatid sa nag-posr na si Jumar na nais nilang tumulong sa bata.

Samantala, maging ang mga netizens ay natunaw ang puso sa kwentong ito at labis din silang humahanga sa katatagang pinakita ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Im so touch yessss girl just go on dont lost your hope ok,God will provide your need just believe in him!!"
"Congrats dai bejean....you made it...and to the proud parents ng Josie and nong Edwin"
"Congratulations...you are an inspiration..."
"Eventhough may disability sha, indi na hindrance sa iya pag eskwela."
"god bless....congrats god is good all the time"
"Sir junar she's one of very nice example...gud luck for her..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel