Anak, hinanap ang inang pinabayaan sila, hinimatay nang muli silang nagkita

Anak, hinanap ang inang pinabayaan sila, hinimatay nang muli silang nagkita

- Isang anak ang dumulog sa Tulfo in Action upang makausap ang ina na kailanma'y naging pabaya sa kanila

- Nais ng bata na mabuo ang pamilya nila, pero dahil matigas din ang nanay, nagkasagutan sila sa Tulfo

- Sa sobrang sama ng loob ng anak, hinimatay ito sa muli nilang pagkikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang anak ang dumulog sa Tulfo in Action dahil nais niyang makausap ang ina, umuwi ito at mabuo muli ang kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na 4-taong gulang pa lamang si Malyn Tan ay iniwan na siya ng kanyang ina Na si Joylin. Ngayong 16-anyos na siya, nais niyang mabuo lang ang pamilya nila.

Ayon kay Malyn, nakauwi pa sa kanila si Joylin pero dalawang buwan lang daw iyon at umalis naman kaagad.

Umuwi raw ito dahil may sakit, at nang gumaling ay umalis ulit, kung kaya't di na naiintindihan ng anak kung bakit.

Sinabi pa ni Malyn na hindi raw sila mahal ng ina at sinabihan pa nga siyang, "Pinagsabihan niya ako na kaya niya akong itakwil eh... sana daw po pinalaglag niya na lang ako nung bata ako..."

PAY ATTENTION: Caught In the Act: 15 Celebrities Who Have Cheated On Their Partners

May lalake raw ang nanay niya dahil pati mga kapatid nito ay hindi rin siya kinukunsinte.

Dumating sa puntong sinabi na ni Tulfo kay Joylin na pinangangaralan na siya ng anak niya.

Nagawan ng paraan para magkita si Malyn, kasama ang tatay niya at si Joylin sa Cabagan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon, inilabas ni Malyn sa ina ang lahat ng sama ng loob.

Sabi niya, "Chinachat ko sayo di ba, di ko kailangan ng pera, kailangan ko pagmamahal ng isang ina!"

Sa sobrang sama ng loob, at sa kaiiyak, hinimatay si Malyn.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
CCTV footage of collapsed Chuzon Supermarket gets released by police

CCTV footage of collapsed Chuzon Supermarket gets released by police

CCTV footage of collapsed Chuzon Supermarket gets released by police
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel