Nakataling aso, bilang pasura raw sa pagngatngat ng iPhone, nag-viral

Nakataling aso, bilang pasura raw sa pagngatngat ng iPhone, nag-viral

- Isang aso na may breed na 'pug' ang makikita sa viral photos na nakatali sa isang posteng kahoy

- Ito raw diumano ay parusa dahil sa pagsira ng cellphone ng amo niya

- Umani ito ng samu't saring reaksyon sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Facebook post ng isang netizen na si Mark Anthony Esteban ang viral ngayon sa social media.

Nalaman ng KAMI na pinost ni Mark ang mga larawan ng isang aso na may lahing 'pug' habang nakatali sa isang posteng kahoy.

Nilagay ni Mark ang caption na, "Salbaheng pug ka sinira mo iphone ko."

Makikita rin sa post niya ang larawan ng isang iPhone na tila puro ngatngat.

PAY ATTENTION: Our Favorite Celebrities Opened Up About Their Regrets In Relationship

Hindi naman kumpirmado kung kay Mark talaga ang mga larawan dahil may nakalagay ito sa caption na "ctto" o "Credit to the owner."

Pero para sa mga netizens kahit hindi pa sa kanya ang mga larawan ay mali ang pag-share niya nito.

Maraming netizens ang talaga namang nanggigil sa galit sa post ni Mark sa Facebook. Pero mayroong ilan na nagsasabing wala naman daw masama dahil katuwaan lang naman ang ginawa sa aso.

"Bawal yan ginagawa mo sa hayup... Dapat tyo mag adjust kc d nila alam kung mamahalin yan gadget mo, kawawa nman...kung ganyan gagawin mo sa alaga. Sana d ka na lang nag aso"
"Sana one time ang may ari naman ng asong ito ang itali at sa malanggam pa para malaman nya ginawa nya sa kawawang tuta na ito"
"Can you see the sadness and sense the fear in him? Untie the dog!"
"Ikaw ang tanga at salbahe at mas mali ang gawa mong itali yang aso mo! Ikaw ang tao alam mo naman mga aso bakit di mo itabi at ingatan yang gamit mo para parusahan mo yang ng ganyan...dapat ikaw ang itali dyan hindi yang alaga mong pug"
"Hajaha ganyan lng talaga ang lambingan ng mag amo.ang cute tignan.hwag na po kyo mag react ng masama.wla namang owner ang mananakit ng grabe sa aso nya.parang anak lng din yan."
"Katuwaan lang naman yan .. Atleast hindi pinapatay na nka video.. Grabi judgemental talaga nang noypi.. Makikita naman na mahal nya aso nya ang healthy kaya.. Wag masyado kj erp"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, Idol Raffy, sinorpresa sa 'Moving Up Ceremony' ang estudyanteng sinalba niya at ito ay nagpaiyak sa maraming netizens.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features Arci Muñoz and JM de Guzman as they open up about their first heartbreaks! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel