Binatilyong naulila dahil sa bagyong Yolanda, nakapagtapos ng HS kahit palaboy na ito

Binatilyong naulila dahil sa bagyong Yolanda, nakapagtapos ng HS kahit palaboy na ito

- Viral ang post ng isang concerned citizen tungkol sa binatilyong biktima ng bagyong Yolanda

- Bagaman at ulila na at wala nang tirahan, nagawan pa rin daw nito ng paraan na siya ay makapagtapos

- Panawagan ng nagpost na sana ay matulungan pa rin ang binatilyo upang makapagpatuloy pa ito ng pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang na-inspire sa post ng netizen na si Renz Peque kung saan kinuwento niya ang nangyari sa isang Yolanda victim na naulila na.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, nagawa a rin daw ipagpatuloy ng binatilyo na ngayon na si John Mark R. Pirante ang kanyang pag-aaral kahit pa naulila na siya sa ama at ina.

Kwento ni Renz, mula nang masalanta ng bagyong Yolanda, palaboy na si John Mark. Katunayan, pumupunta ito sa tindahan nina Renz upang kolektahin ang mga basura nito para kahit na paano ay may kitain siya.

PAY ATTENTION: Top 15 Wedding Photographs That Blew Our Minds Away

Ngunit ngayon, laking gulat ni renz nang pumunta si John Mark na may dalang medalya at sertipiko.

Laking gulat niya nang malamang naigapang pala ni John Mark ang kanyang pag-aaral sa kabila ng pagiging ulila at kawalan ng matitirahan.

Labis na humanga si Renz kay John Mark kaya naman pinanawagan niyang sana ay matulungan ang kaibigan kung nais pa nitong magpatuloy ng pag-aaral o anumang tulong na maari nilang ipabatid.

May ilang mga medalya pa nga raw si John Mark ngunit iniwan na niya ito sa puntod ng kanyang mga magulang.

Tunay na nakakabilib ang kuwento ni John Mark kaya maging ang mga netizens ay naghahangad ng maayos na pamumuhay para sa binatilyo. Ang iba, nagpahayag na ng pagtulong at mayroon pa ngang handa na itong kupkupin at papag-aralin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"San po sya located. Kung dto lng po yan isabela, kunin ko po sana sya kasama ko po sa hanap buhay, bibigyan ko po sya ng maayos na tirahan at magandang incentive sa hanap buhay ko po."
"Mapalad kayo dalawa pinagpala kayo ng Dios Ama. Congratulations sa inyong dalawa salamat sa pagiging ulirang anak ng Dios. Natutuwa ang Dios sa inyo. Mga dasal dalangin ko Itinataas ko kayo at protektahan at bigyaan kayo ng mas maraming grasya at gantimpala mula sa ating Dios Ama sa ngalan ni Jesus amen."
"Wow sakit sa dibdib, Hindi sya sumoko sa kahirapan, Sana gabayan ka ng ama lumikha at may tumulong sayo pagaralin ka, ginamit mo utak mo pambihira ka bata,, kaawaan ka ng maykapal"
"I would love to help him if he want to go further on his studies. Pls inform me."
"This guy is somebody to watch in the next few years. He will definitely go a long way and make it BIG in life! I am so PROUD of you bro. CHAMPIONS don’t stop when they are tired. They stop when they are done!"
"Good job kid. Congrats . Bro bka gusto mo e send my Mar Roxas to. Kung hindi nya Ninakaw ang Yolanda fund bka my maayos na tahanan ang batang to"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay na humahagulhol sa harap ng amo, inihingi ng tulong ng kapwa niya Overseas Filipino Worker

Pinay na humahagulhol sa harap ng amo, inihingi ng tulong ng kapwa niya Overseas Filipino Worker

Pinay na humahagulhol sa harap ng amo, inihingi ng tulong ng kapwa niya OFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel