Estudyanteng nagising mula sa coma, sinikap makabalik sa pag-aaral

Estudyanteng nagising mula sa coma, sinikap makabalik sa pag-aaral

-Dumaan sa matinding pagsubok ang estudyanteng si Nikee Strada Laderas bago nakamit ang inasam na diploma

-Ito ay dahil nasangkot ito sa isang matinding aksidente na naging dahilan para ma-comatose ito ng apat na araw

-Ngunit hindi ito naging sanhi para tumigil ang estudyante na abutin ang kanyang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit isang taon ang nakakaraan nang masangkot sa aksidente ang binatang si Nikee Strada Laderas matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse.

Dahil dito, na-comatose ang binata ng apat na araw at ayon pa raw sa doktor ay magiging lantang-gulay na kung magigising siya.

Sa kabutihang-palad ay nagising si Laderas ngunit mula roon hindi na naging madali ang lahat para sa kanya.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Dumaan ito sa napakaraming hirap dahil sa kanyang kalagayan at kondisyon.

Sa kabila nito, pinili pa rin ni Laderas ang bumalik sa pag-aaral.

Tiniis niyang pumasok nang naka-wheelchair habang tulak ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Panganay siya sa kanilang magkakapatid at dahil na rin dito kaya nanatili siyang matatag.

Hindi naman siya nabigo dahil nakamtam naman niya ang tagumpay sa huli dahil nagtapos si Laderas sa kolehiyo kahit pa nga minsan ay naisip nitong posibleng 'di na makarating rito.

Hindi rin nito nakalimutang magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanyang abutin ang pangarap lalong lalo na sa kanyang pamilya.

Mula sa KAMI, binabati ka namin sa iyong tagumpay!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel