Ginang na minasaker sa Bulacan, kinutuban! Nag-chat sa kaanak bago patayin

Ginang na minasaker sa Bulacan, kinutuban! Nag-chat sa kaanak bago patayin

-Agad na naaresto ang mga suspek sa massacre sa Bulacan sa tulong na rin ng mga chat messages na ipinadala ng biktima sa isang kaanak

-Inamin ng dalawang suspek na pagnanakaw ang kanilang pakay sa biktima ngunit pumalag umano ang ginang

-Ngunit hinala ng mga pulis, tinangka pang gahasain ng mga suspek ang biktima dahil sa mga defense wounds na nakita sa katawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagnanakaw lang daw ang pakay ng mga suspek sa Bulacan massacre at inaming naka-inom at tumira ng droga nang gawin ang krimen.

Una nang naiulat ng KAMI ang brutal na pagpatay sa ginang na si Jaymee Casabuena at mga anak nito na edad 8 at 5 noong Miyerkules.

PAY ATTENTION: The Most Amazing Models From The '80s And How They Look Now

Agad naman naaresto ang dalawang suspek sa tulong na rin ng mga chat messages na ipinadala ng ginang sa isang kaanak nito.

Sinabi nitong naroon ang suspek na si Wilson Cortez, na kinakasama ng pinsan ni Jaymee, kasama ang isa pang suspek na si Joselito Cortez.

Inamin raw ng mga ito sa PNP na nanakawan lang nila ang ginang ngunit pumalag ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narekober rin ang mga duguang damit at patalim na ginamit ng mga ito sa krimen.

Ayon pa sa ulat ni Oscar Oida ng GMA News, posibleng tinangka ring gahasain ng mga suspek si Jaymee dahil sa mga nakitang defense wounds sa katawan nito.

Iprinisinta ang dalawang suspek kay PNP Chief General Oscar Albayalde kahapon ngunit agad na ring ibinalik sa police station.

Hindi na sumagot ang mga ito sa panayam ng media.

Samantala, ang ama at lolo ng mga biktima hindi nakapag-pigil nang makita ang dalawang suspek.

Bagamat bahagya raw gumaang ang dalahin nila dahil sa pagkaka-dakip sa dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel