Bulacan massacre! Mag-iina, tadtad ng saksak sa loob ng kanilang bahay

Bulacan massacre! Mag-iina, tadtad ng saksak sa loob ng kanilang bahay

-Duguan at wala ng buhay ang mag-iina sa kanilang bahay nang datnan ng kanilang mga kaanak

-Ayon sa ulat, may nakitang lalaki na gumagawa sa bubong ng mga ito bago natagpuang patay ang mga ito

-Walang alam na kaaway ang biktima at blangko pa rin ang mga kaanak nito sa motibo sa krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tadtad ng saksak, duguan at wala ng buhay ang mag-iinang Jaymee Casabuena, 28 anyos, at dalawang anak nito na may edad 8 at 5 lang.

Natagpuan ang kanilang mga bangkay sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan noong Miyerkoles ng gabi

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Ayon sa ulat ni Jervis Manahan ng ABS-CBN News, may nakitang lalaki ang isa sa mga kapitbahay ng biktima na gumagawa sa bubungan ng mga ito noong Martes, bandang 6:00 ng gabi.

Ilang oras ang lumipas, dalawang lalaki naman ang nakita nitong pumasok sa loob ng bahay.

Ngunit bukod doon, wala na umano itong narinig na anumang senyales ng krimen sa loob ng bahay ng mga biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa panayam sa ama ni Casabuena, nagulat daw ito nang makita ang anak na nakahandusay sa sala na duguan at wasak ang mukha.

Walang ibang kasama ang mga biktima dahil single mom ito. Patay rin pati ang alagang aso ng mga ito.

Wala silang alam na kaaway ng biktima at blangko sa motibo ng krimen.

Ayon naman sa PNP, bagamat may mga nakita silang bukas na drawer sa loob ng bahay, 'di pa rin sigurado kung may nawawala sa mga gamit ng mga biktima.

Wala rin umano silang nakitang forced entry sa crime scene kaya posibleng kilala ng mga biktima ang mga suspek.

May hawak na raw ang pulisya na isang person of interest na patuloy pa ring iniimbestigahan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel