"He deserved it", ayon sa 1 ina matapos pagsasaksakin ang 6-anyos na anak

"He deserved it", ayon sa 1 ina matapos pagsasaksakin ang 6-anyos na anak

-Laking gulat ng isang ginang matapos bigla na lang sumulpot sa kanilang bahay ang 5-anyos na kapitbahay na duguan

-Sabi umano ng bata, ang nanay niya mismo ang siyang may gawa nito sa kanya

-Nang hulihin ng mga pulis ang suspek na isang 34-anyos na babae sinabi pa nitong "he deserved it"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na tumawag ang isang ginang sa 911 matapos bigla na lang sumulpot sa kanilang bahay ang 6-anyos na kapitbahay na duguan.

Sinabi umano ng bata na ang nanay mismo nito na si Nemoria Villagomez, 34-anyos, ang gumawa nito sa kanya ayon sa ulat ng Washington Post.

PAY ATTENTION: 15 True Facts About Meghan Markle Before Meeting Prince Harry

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng mag-ina. Doon natagpuan nila ang suspek na nakahiga sa kama sa master's bedroom katabi ang isa pang anak na 14-buwang gulang.

May mga bakas pa ng dugo ang ginang sa braso, binti, mga kamay at paa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inamin nito ang pananaksak sa 6-anyos na anak at sinabing "he deserved it" ngunit hindi na nilinaw pa ang dahilan nito sa krimen.

Napag-alamang tinangka rin nitong sakalin ang anak at painumin ng isang uri ng droga.

Hinala ng mga awtoridad, nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang suspek na agad nilang inaresto.

Agad namang dinala ang biktima sa ospital at ligtas na matapos magtamo ng mga delikadong tama mula sa mga saksak dito.

"He deserved it", ayon sa 1 ina matapos pagsasaksakin ang 6-anyos na anak

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga mag-aaral

Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga mag-aaral

Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga mag-aaral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel