Gretchen Ho, nag-tweet ng pagkadismaya sa di pagsipot ni Floyd Mayweather sa presscon

Gretchen Ho, nag-tweet ng pagkadismaya sa di pagsipot ni Floyd Mayweather sa presscon

- Nagpahayag ng pagkadismaya si Gretchen Ho sa di pagsipot ni Floyd Mayweather sa presscon

- Tinweet ng Kapamilya host ang mga kaganapan sa kanilang paghihintay sa boksingero

- Pero pagkatapos nilang maghintay ng mahigit walong oras ay sinabihan na lang sila na hindi na makakarating si Mayweather

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mukhang hindi nga nagustuhan ni Gretchen Ho ang paghihintay kay Floyd Mayweather ng ilang oras para sa presscon nito sa Resorts World Manila, na naispatan ng KAMI.

Ginamit ni Gretchen Ho ang kanyang social media para maipahayag ang kanyang pagkadismaya kay Floyd Mayweather Jr.

Pinaghintay lang naman sila ng boksingero habang may ibang pinupuntahan ito imbis na dumiretso sa naturang presscon area.

Nagbigay ng updates si Gretchen sa mga pangyayari at kumuha pa ng ilang larawan ng mga press na naghihintay kay Mayweather.

Subalit, ang kanilang mahigit walong oras na paghihintay ay nauwi rin sa wala dahil inanunsyo ng pamunuan ng Resorts World Manila na hindi na makakarating si Mayweather.

Kaya naman nagpahayag na lang ng kanyang saloobin at pagkadismaya si Gretchen sa kanyang Twitter account.

Ani pa niya:

"'A tragedy is always a good story to tell.' ~ Me on Mayweather’s no-show at the presscon after 8+ hours of waiting. Now, I can tell my grandkids, I was once stood up by Floyd."

Si Gretchen Ho ang naka-assign umano na host ng presscon ni Floyd Mayweather sa Resorts World Manila noong April 2, ayon pa sa balita ng push.com.ph.

Si Floyd Mayweather Jr. na nakilala minsan bilang "pound-for-pound king," ay nakatakda daw na umalis sa bansa ngayong araw, Miyerkules, April 3, 2019.

POPULAR: Read more news about Floyd Mayweather Jr. here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel