Magna cum laude sa CamSur, inspirasyon ang amang pedicab driver

Magna cum laude sa CamSur, inspirasyon ang amang pedicab driver

- Viral ngayon ang kwento ng Magna cum laude ng Camarines Sur na si Sandra Ramos

- Inaalay niya ang tagumpay sa kanyang mga magulang lalo na sa ama na binuhay sila sa pagiging padyak driver

- Di ito kinahihiya ni Sandra at nais pa nga niyang magtrabaho agad upang matulungan ang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng buhay ng Magna cum laude ng Magarao, Camarines Sur na si Sandra Ramos.

Sa post na binahagi ng GMA news, makikita ang mga larawan ni Sandra sa araw ng kanyang pagtatapos kasama ang kanyang mga magulang.

May ilang larawan pa kung saan nakasakay siya sa padyak ng ama na siyang ipinambubuhay niya sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: 15 Super Expensive Celebrity Weddings That Ended In A Divorce

Ayon pa kay Sandra, ang kanyang tagumpay ay alay niya sa kanyang mga magulang. Sila ang nagsilbing inspirasyon sa kanya upang makamit ang karangalan niya sa kanyang pagtatapos.

Handa na nga raw magtrabaho agad si Sandra upang masuklian naman ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang. Mayroon pa rin siyang dalawang nakababatang kapatid na aakuin na niya ang responsibilidad sa pagpapa-aral.

Tunay na di lamang talino ang angkin ni Sandra kundi ang mabuting puso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpapakita lamang na kahit hirap sa buhay, naipamana naman ng kanyang mga magulang ang busilak na kalooban.

Kaya naman ang maipapayo niya sa mga kapwa niya kabataan, “Do their best in everything kahit anong estado man nila sa buhay basta maghanap sila ng inspirasyon kaya nilang gawin ang lahat."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel