Street sweeper na may kapansanan, tinulungan ng isang estudyante

Street sweeper na may kapansanan, tinulungan ng isang estudyante

-Kahit pa nga walang malaking kakayahan para tumulong ang dalagang si Coleene sa pinansiyal na paraan nagawa niya pa rin magsilbing biyaya para sa iba

-Palagi raw nitong nakikita ang street sweeper na si Linda at hinangaan niya ito dahil sa pagiging masigasig sa kabila ng kapansanan

-Kaya naman sa tulong ng isang programa, nabigyang tulong si Linda sa tulong na rin ng estudyanteng si Coleene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masigasig sa kabila ng kapansanan, ganito inilarawan ng estudyanteng si Coleene Villanueva ang street sweeper na si Linda.

Sa kabila kasi ng kapansanan nito, hindi pa rin ito tumitigil sa pagta-trabaho para sa anak at sa tatlong apo nito.

PAY ATTENTION: Exciting Details About The Casting Of The Long Nights, A Prequel To Game Of Thrones

Ayon kay Coleene, bread winner si Linda sa kanilang pamilya.

At pagkatapos ng duty nito bilang street sweeper deretso naman ito sa pagkolekta ng kaning baboy.

Araw-araw itong nakikita ng dalaga at dahil dito umani si Linda ng paghanga mula sa dito.

Naging daan ito para lumapit si Coleene sa programang Mission Possible at humiling ng kaunting handog para kay Linda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman ito nabigo dahil sinadya ng programa si Linda kasama si Coleene para hatiran ng tulong ang masipag na breadwinner ng pamilya.

Mangiyak-ngiyak ito dahil marahil ay hindi nito inaasahan ang biyayang hatid ng isang estudyante pa lang.

At kahit hirap magsalita, paulit-ulit nitong binigkas ang salitang "salamat" para sa dalagang may mabuting puso para sa katulad niya.

Nakakatuwang isipin na ang dalagang si Coleene sa kabila ng batang edad ay may pusong busilak at mga matang sensitibo sa mga katulad ni Linda na salat man sa materyal na bagay ay mayaman naman sa pagmamahal sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos sa socmed

Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos sa socmed

Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel