Mangyan na nakabahag pa sa kanyang graduation, hinangaan ng netizens

Mangyan na nakabahag pa sa kanyang graduation, hinangaan ng netizens

- Agaw eksena sa social media ang larawan ng isang Mangyan na proud na nakabahag sa Araw ng kanyang pagtatapos

- Marami ang humanga sa Mangyan na itong di nahiya na naka-katutubong kasuotan imbis na naka-toga

- Binatikos man ng ilan ngunit karamihan naman ay natuwa sa tagumpay na tinamasa ng Mangyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga larawan ng isang katutubong Mangyan na nagtapos ng kolehiyo sa Estancia Main Campus sa Iloilo.

Ang kapansin-pansin kasi sa mga larawang binahagi ni Mhiey Vengano ay ang pagsusuot nito ng Mangyan ng kanyang katutubong kasuotan na bahag imbis na magsuot sana ito ng toga.

Nakangiti itong nakapila para sa kanilang processional, at masasabing masaya ito sa bunga ng kanyang mga pinaghirapan sa pag-aaral.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Ayon sa post, siya raw ang unang Mangyan na nagtapos sa naturang paaralan.

Di maiiwasang makatanggap ng ilang pambabatikos ang ginawa na ito ng katutubo dahil para sa iba, nararapat lamang na magsuot ito ng nararapat daw umano sa okasyon.

Gaya na lamang ng naunang naibalita ng KAMI na isang Dumagat. Bagaman at di nalalayo ang katutubong kasuotan nito sa mga Mangyan, nagawa pa rin nitong magsuot ng pormal, polo at itim na pantalon para sa pagtatapos.

Gayunpaman, mas marami pa rin ang natuwa sa Mangyan dahil sa tagumpay na kanyang tinatamasa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Congratulations keep it up bro"
"Yung iba sa pic parang pinag tatawanan sya, sarap buhusan ng malamig n tubig"
"Heto naman pala. Pwede naman pala walang gastos sa toga at bagong sapatos. Proud of you kuya."
"Di naman po yan papansin proud lang sya s tribo nya bilang isang MANGYAN"
"Congratulations sa totoo lang sinusunod lang yan nila ang kanilang traditional costume. Maraming respetado mangyan sa bansa natin."
"May ganyan tlaga. Sa meron nga igorot naka bahag din nung nag nag march sya sa stage.. and wala namang masama sa suot nya. Congratulations sir"
"Congratulations! Proud lng sya sa kanyang tribe at hnd nya kinakahiya iyon. Di gaya ng iba jan feeling mayaman, umaastang mayaman tpz kinakahiya pa ung mga magulang na todo kayod sa pagtatrabaho maitaguyod lng ang pag-aaral ng anak."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel