Lalaki, napatay ang kapatid dahil umano sa selos dito at sa kanyang ex-GF

Lalaki, napatay ang kapatid dahil umano sa selos dito at sa kanyang ex-GF

-Arestado ang isang lalaki matapos mapatay ang kanyang sariling kapatid at kaibigan nito sa Davao Del Sur

-Lumalabas sa imbestigasyon na dating nobya ng suspek ang ngayo'y nobya naman ng kanyang kapatid

-Ngunit mariin itong itinanggi ng suspek at sinabing kabit lang umano ng kapatid ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado at ngayo'y nakakulong ang isang lalaki sa Davao del Sur matapos nitong barilin at mapatay ang sariling kapatid at kaibigan nito.

Kinilala ang suspek na si Jaime Panerio, 37-anyos. Habang ang biktima at kapatid naman nito ay si Mitchie Panerio, 28-anyos, at kinilala naman ang kaibigan at biktima rin na si Elmon Calugas.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na selos ang naging ugat ng 'di pagkakaintindihan ng dalawa base na rin sa mga sumbong ng kaibigan ng biktima.

Ayon sa mga ito, dating nobya ng suspek ang ngayon ay nobya na ng biktima.

Ayon sa ulat ni Real Sorroche ng RTV-One Mindanao, nagkakasiyahan sila Mitchie sa bahay nang bigla silang bulabugin ng suspek.

Naghamo pa umano ito ng away kaya inaya ng biktima ang suspek sa labas para doon mag-usap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ngayon, nung lumabas na sila, dun na sila nagkainitan.

Then eventually, itong suspek natin na pumunta dun sa bahay ng victim, ay binaril na niya itong ating (biktima na) kapatid lang din niya, tsaka 'yung isang kaibigan," sabi ni Captain Grace Martinez, hepe ng Sta. Cruz Police sa isang panayam sa News TV.

Ngunit mariin itong itinanggi ng suspek at sinabing pumunta lang ito doon para pagsabihan tungkol sa pagdadala nito ng babae sa bahay.

Hindi rin umano nito naging nobya ang babaeng tinutukoy na nobya rin ng kanyang kapatid.

Sasampahan na ng kaso ng isa pang biktima si Jaime habang ang pamilya nila ng kapatid na napatay ay wala pang pahayag ayon na rin sa ulat.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Coco Martin finally breaks his silence on Eddie Garcia's accident

Coco Martin finally breaks his silence on Eddie Garcia's accident

Coco Martin finally breaks his silence on Eddie Garcia's accident
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel