Misis, nabuking ng anak na inirereto ng ate nito sa Hapon

Misis, nabuking ng anak na inirereto ng ate nito sa Hapon

-Inirereto umano ng kanyang ate si misis sa Hapon kaya naman si mister nagseselos at gusto nang pauwiin ito

-Ngunit bukod rito, nakita pa raw ng mga anak si misis na nakikipag-inuman sa mga lalaki at inakbayan pa umano

-Sa isang bahagi ng pagtatalo ng dalawa, bigla na lang nadulas si misis na "hahanapan pa lang" daw siya ng Hapon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Desperadong dumulog sa Raffy Tulfo in Action ang mister na si Ricardo para humingi ng tulong na mapa-uwi na ang kanyang misis na si Maria Hazel na inirereto umano sa Hapon ng kapatid nito.

Ito ay ayon mismo sa isa sa mga anak ng mag-asawa na narinig umano ang kanyang tiyahin na sinabing hahanapan na lang si misis ng Hapon at huwag nang umuwi sa kanila.

Hindi na raw kasi umuwi si misis sa kanila kaya naman si mister kung ano-ano na ang naiisip lalo pa at mismong mga anak nito ang nagsasabi sa mga aktibidad ng ina.

PAY ATTENTION: 15 Super Expensive Celebrity Weddings That Ended In A Divorce

Hindi rin daw ito ang unang pagkakataon na nagloko si Maria Hazel, sa katunayan ay may anak ito sa ibang lalaki kahit pa mag-asawa pa sila ni Ricardo.

Sabi pa ng panganay nilang anak, nakita niyang nakikipag-inuman sa mga lalaki si misis at nakita pa umano nitong inakbayan ang kanyang nanay ng ibang lalaki.

Mariin naman itong itinanggi ng inirereklamong ginang, bagamat sa isang bahagi ng pagtatalo nila ay nadulas siyang "hahanapan pa lang" daw siya ng Hapon.

Hindi rin umano siya nakikipag-inuman kung hindi nakikisama lang siya sa mga tenant ng kanyang ate.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagay na hindi sinang-ayunan ni Raffy Tulfo dahil isa ng babaeng may-asawa si Maria Hazel at hindi na akma na nakikipag-inuman pa siya sa ibang lalaki.

Sinupalpal rin ni Tulfo ang kapatid nito na si Mary Grace na kasama nito sa studio na ayon kay Tulfo ay kunsintidor.

Mariin naman itong itinanggi ni Mary Grace. Inakusahan na rin nito ng tangkang panghahalay ang bayaw noon.

Sa huli, nagkasundo na lamang ang dalawang panig na hindi na magsasampa ng kaso sa bawat isa.

Ngunit ang tenant na sinasaksak ni Ricardo ng ice pick dahil sa selos ay tuloy pa rin kaya naman nag-alok na lang ng tulong si Tulfo rito.

Nagkasundo rin ang mag-asawa na mapupunta na lang kay mister ang lahat ng kanilang anak maging ang 3-anyos na bunso na nasa pangangalaga ni misis.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel