Larawan ng 64 anyos na tri-sikad driver sa araw ng kanyang graduation, nag-viral

Larawan ng 64 anyos na tri-sikad driver sa araw ng kanyang graduation, nag-viral

- Masayang nagtapos ng kolehiyo ang 64 anyos na tri-sikad driver na si Generito Yosores

- Kamakailan lamang ay nag-viral ang kanyang graduation photo at marami ang na-inspire sa kanyang kwento

- Humanga ang mga netizens sa lolo dahil umano sa pagsususmikap parin nitong makatapos ng kolehiyo sa kabila ng kanyang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lamang ay umantig sa mga puso ng netizens ang viral na graduation picture ni Generito Yosores, isang trisikad driver na nakapagtapos ng kolehiyo.

Ngayon, Abril 2, ginanap ang graduation ng 64 anyos na lolo sa Western Mindanao State University External Studies Unit-Molave, Zamboanga del Sur Campus sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.

Si lolo Generito ay isa sa 1,397 na nagsipagtapos ng kanilang unibersidad.

PAY ATTENTION: 21 Celebrities Who Preferred To Tie The Knot With Ordinary People

Marami ang na-inspire sa kwento ng matanda dahil bukod sa kanyang edad, working student pa umano ito.

Tri-sikad driver sa umaga si lolo Generito at pagpatak ng hapon hanggang gabi, estudyante naman siya.

Maging ang kanyang mga kapwa tri-sikad driver ay humanga sa determinasyon na makatapos ni lolo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di alintana ang kanyang edad at ang kanyang trabaho sa pagkamit ng kanyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.

Umabot na sa 22,000 reactions, 462 comments, 2,700 shares ang larawan ni lolo Generito sa mismong araw ng kanyang graduation na binahagi ng Inquirer.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Dela Rosa gets caught in a heated exchange with a student leader

Sen. Dela Rosa gets caught in a heated exchange with a student leader

Bato dela Rosa gets caught in a heated exchange with a student leader
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel