Pinay, hinahanap ang "lovely gentleman" na nakasakay niya sa eroplano

Pinay, hinahanap ang "lovely gentleman" na nakasakay niya sa eroplano

-Hinahanap ngayon ng Seattle-based Pinay ang lalaking nakatabi niya sa isang flight na inilarawan nito bilang "lovely gentleman"

-Nagawa pang padalhan ng Pinay ng private message ang airline para lang ma-track ang lalaki

-Bagamat 'di nagbigay ng impormasyon ang airline, wish naman daw nila na magkatagpo ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang na-love at first flight ang isang Seattle-based Pinay sa lalaking nakatabi nito sa isang flight kaya naman hinahanap niya ito ngayon.

Nagawa pang mag-message ng Pinay na si Jomaica Alfiler, 21-anyos, ang German airline na Lufthansa.

PAY ATTENTION: Top 15 Wedding Photographs That Blew Our Minds Away

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi nito ang direct message na ipinadala niya sa airline.

Nakasakay raw ng dalaga ang lalaking inilarawan nito bilang "lovely gentleman" sa isang flight mula Germany papuntang United States noong Marso 26.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hiningi nito ang tulong ng Lufthansa dahil hindi raw nito nakuha ang buong pangalan ng estranghero at maging ang contact details nito.

"He was so kind to me and he helped me with my luggage,” ani ng dalaga. “And also he kept ordering gin and tonic about 6 times during the whole flight.”

Ngunit dahil na rin sa data protection hindi nagawang tulungan ng airline ang dalaga, bagamat umaasa raw ang mga ito na magtatagpo ang dalawa.

Ganunpaman, umaasa pa rin ang dalaga na muling makikita ang lalaking pumukaw sa kanyang interes.

"I would like to find him, wherever he is, and at least try my chances, get to know him and see where it goes, at least I tried and I won’t have any regrets,” anito sa isang report ng Inquirer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel