Estudyante, natagpuang patay matapos sumakay sa maling Uber car

Estudyante, natagpuang patay matapos sumakay sa maling Uber car

-Isa ng bangkay nang matagpuan ang 21-anyos na estudyante na ine-report na nawawala

-Ayon sa imbestigasyon, nagkamali ang biktima ng sinakyang Uber car na naging dahilan ng maaga nitong kamatayan

-Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Uber ngunit muli itong nagbabala para sa kaligtasan ng kanilang mga customer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nakauwing buhay ang 21-anyos na estudyanteng si Samantha Josephson matapos itong matagpuang patay sa isang kakahuyan.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nagkamali ng sinakyang Uber car ang biktima bandang 2:00 ng umaga noong Biyernes.

Makaraan ang 14 na oras, natagpuan ang bangkay nito.

PAY ATTENTION: 21 Celebrities Who Preferred To Tie The Knot With Ordinary People

Sabi ni Columbia Police chief, W.H. Holbrook, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga kaibigan ng biktima bandang 1:30 ng hapon noon ding Biyernes nang 'di na umano ma-contact ng mga ito si Josephson.

4:00 ng hapon nang makataggap naman sila ng tawag mula sa ilang mga hunter kaugnay sa isang bangkay na kinilalang si Josephson na.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, napag-alamang sumakay ang dalaga sa isang itim na Chevy Impala.

Estudyante, natagpuang patay matapos sumakay sa maling Uber car

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabado nang ma-spot-an ng mga pulis ang isang Impala. Pinababa ng pulis ang driver ng sasakyan ngunit bigla umano itong tumakbo na agad namang nasukol ng mga pulis.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang mantsa ng dugo sa sasakyan nito na nag-match kay Josephson.

Nakuha rin mula sa passenger's compartment nito ang cellphone ng biktima. Mayroon ring liquid bleach, germicidal wipes at window cleaner na nakuha sa sasakyan ng suspek

Naka-on rin ang child lock ng sasakyan ng suspek dahilan para mahirapan ang sinumang sasakay sa back seat..

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang mga pulis bukod rito dahil patuloy pa rin daw ang imbestigasyon sa kaso.

Samantala, walang inilabas na pahayag ang kompanyang Uber kaugnay ng insidente ngunit muli naman nagbabala ang mga ito na siguruhing tugma ang mga detalye at larawan ng kanilang mga driver.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel