Pinay na walang mga braso, kinilala sa pagiging kauna-unahang armless pilot

Pinay na walang mga braso, kinilala sa pagiging kauna-unahang armless pilot

- Kinilala ang Pinay na si Jessica Cox sa pagiging kauna-unahang piloto na walang mga braso

- Isinilang na walang mga braso si Jessica ngunit di ito naging hadlang sa kanya upang magkaroon ng normal na buhay

- Gamit ang kanyang mga paa, maayos niyang nagagampanan ang pagiging piloto sa kabila ng kanyang kapansanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Real-life "superwoman" daw maituturing ang ang Filipina- American na si Jessica Cox, ang kauna-unahang Pinay na naging piloto kahit pa ito a walang mga braso.

Ayon sa Buzzooks, dalawang Guinness World Records na ang natanggap ni Jessica. Una, sa pagiging world’s first double black belter in Taekwondo at ang pangalawa ay ang world’s first certified pilot in aviation history.

Rare birth defect ang kawalan ng mga braso ni Jessica na pinanganak sa Tucson, Arizona. Siya lang ang naiiba sa kanyang pamilya dahil lahat naman ay may kumpletong bahagi ng katawan.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Bagaman at mayroon naman g prosthetic arms si Jessica mula pa noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang, mas gusto pa rin niyang gamitin ang kanyang mga paa sa mga gawain lalo na sa paaralan.

Nakamamanghang nakakapag-type siya ng 25 na salita sa isang minuto, nakakapag-make-up, nakakapag-drive ng kotse, dive and swim at nakakapag-ski siya. Marami pa nga siyang nagagawa kumpara sa taong kumpleto ang bahagi ng katawan.

Sa kabila ng mga bagay na kanya paring nagagawa, di pa rin nakawala sa mga mapanghusgang mata si Jessica. Nakaranas pa rin siya ng bullying.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dumating pa nga raw talaga sa puntong sumisigaw na siya sa sobrang galit sa mga taong mapanghusga at maging sa sarili niya.

Dahil dito, naisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya martial arts class upang palakasin ang loob ni Jessica.

Naging mahusay siya sa Taekwondo dahilan para siya ay hirangin bilang world’s first armless person to earn a double black belt.

Di lang iyon, Siya rin ang kauna-unahang piloto na walang braso ngunit nakapagpalipad pa rin ng aircraft.

Sa ngayon, isa na rin si Jessica sa mga motivational speaker na umiikot sa buong mundo upang ibahagi ang kanyang nakaka-inspire na kwento.

Patunay lamang na walang imposible sa taong puno ng determinasyon kahit pa may kakulangan ito sa katawan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

DJ and TV producer Fernanne, singer Classica and singer March have joined our Dugtungan challenge. Enjoy their smart approach and beautiful voices!

Dugtungan Challenge: Who Will Win? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel